Vlogger, makulit na sinakyan ang mga komentong kamukha raw niya si Ej Obiena

Vlogger, makulit na sinakyan ang mga komentong kamukha raw niya si Ej Obiena

- Nagbigay reaksyon na ang vlogger na si Junnie Boy Velasquez sa mga post na nagsasabing kamukha niya si EJ Obiena

- Malaki raw kasi ang pagkakahawig ni EJ kay Junnie Boy lalo na sa anggulo ng kuha nito nang mag-qualify ito para sa finals

- Umabot na sa mahigit 350,000 na laughing reaction ang nakatutuwang post ni Junnie Boy

- Samantala, sa Agosto 3 naman nakatakdang lumaban ang pambato ng Pilipinas para sa Men's Pole Vault

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-react na ang vlogger na si Junnie Boy Velasquez matapos ang ilang araw na nag-viral ang mga post na nagsasabing kamukha umano niya ang atletang si Ernest John "EJ" Obiena.

Nalaman ng KAMI na isa umanong kuha ni Obiena matapos na makapasok sa finals ng Men's Pole Vault ang napansin ng mga netizens na malaki ang pagkakahawig kay Junnie Boy.

Read also

Viral food supplier, nabahala sa umano'y banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview

Vlogger, makulit na sinakyan ang mga nagsasabing kamukha niya ang atletang si EJ Obiena
Vlogger na si Junnie Boy (photo credit: Marlon Velasquez Jr. @junniedad)
Source: Instagram

Dahil dito, madalas na mai-tag si Junnie Boy ng mga netizens at siya rin ang binabati sa pagkakapasok daw nito sa finals.

Hulyo 30, makulit na sinagot ni Junnie Boy ang mga komento ng netizens. Sinakyan nito ang mga komento at sinabing may kwento umano siya tulad nang madalas niyang gawin sa kanilang mga vlog matapos ang olympics.

Samantala, nakatakdang lumaban para sa finals si EJ sa Agosto 3.

Dahil dito, lalong naaliw ang mga netizens kung saan umabot na sa mahigit na 350,000 na reaksyon ang kanyang nakatutuwang na post.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Minsan atleta, madalas vlogger po pala kayo Junnie Boy"
"Lodi talaga goodluvk po sa finals, tapos balik na kayo sa Team Payaman"
"Sabi na nga ba e, kaya pala walang upload nasa olympics ka pala"
"Kuya Junnie Boy, balik po agad kayo sa pagba-vlog pagkagaling niyo po ng Japan ha. Nakakamiss po ang videos niyo po."

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

"Team Payaman, lalong yayaman kapag nagka-medal si Junnie Boy sa olympics

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Marlon "Junnie Boy" Velasquez Jr. ay kilalang vlogger sa Pilipinas. Bahagi siya ng Team Payaman na pinangungunahan na kanyang kapatid at sikat na YouTuber sa bansa na si Lincoln "Cong" Velasquez.

Marami na ang mga sumisikat na vlogger sa bansa na hindi lamang nagbibigay saya sa atin kundi nakakatulong din.

Isa na rito ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' na ang madalas na content ay ang pagtulong sa kapwa.

Maging ang aktres na si Toni Gonzaga ay pinasok na rin ang pagba-vlog kung saan inspirasyon naman ang hatid niya sa kanyang subscribers dahil sa mga aral na mapupulot nila sa kanyang mga mai-interview.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel