Ellen Adarna, nilinaw na GCQ pa naganap ang inuman nila sa set ng John en Ellen

Ellen Adarna, nilinaw na GCQ pa naganap ang inuman nila sa set ng John en Ellen

- Ibinahagi ng direktor ng sitcom na John en Ellen ang picture ng pag-iinuman nila kasama sina John Estrada at Ellen Adarna

- Aniya, happy times umano iyon na naganap noong break nila sa taping ng nasabing sitcom

- Nilinaw naman ni Ellen na GCQ pa nang maganap ang inumang iyon at lifted pa ang liquor ban sa Antipolo noong mga oras na iyon

- Matatandaang sinabi ni Derek Ramsay sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya na planong magreklamo ni Ellen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng direktor na si Willy Cuevas ang picture kung saan kasama niyang nakainuman sina Ellen Adarna at John Estrada. Aniya kuha iyon habang break time nila sa taping ng John en Ellen.

Ellen Adarna, nilinaw na GCQ pa naganap ang inuman nila sa set ng John en Ellen
Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Agad namang sinagot ni Ellen ito at nilinaw niyang GCQ pa nung naganap iyon at lifted na umano ang liquor ban sa Antipolo noong mga oras na iyon.

Read also

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

Ooo! Happy times pa tayo jan direk, GCQ pa yan lifted na ung liquor ban sa antipolo Yan ung mga oras na kala natin pawala na un covid kakaloka diba, tapos bumalik. #goodtimes #throwback
Ellen Adarna, nilinaw na GCQ pa naganap ang inuman nila sa set ng John en Ellen
Screenshot from Willy Cuevas (@tagaakay)
Source: Instagram

Matatandaang nasabi ni Derek na balak magreklamo ni Ellen dahil sa pagkalabag ng IATF protocols.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at nakatakda na silang ikasal. Kamakailan ay umani ng mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki namang sinabi ni Derek na maswerte siya sa kanyang mapapangasawa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel