Ethel Booba, ibinahagi ang super cute na 'mukbang' video ng kanyang Baby Michaela

Ethel Booba, ibinahagi ang super cute na 'mukbang' video ng kanyang Baby Michaela

- Kinagiliwan ng marami ang super cute na 'mukbang' video ng anak ni Ethel Booba

- Sa umpisa pa lang ng video, makikitang 'happy baby' si Michaela kasama ang kanyang proud parents

- Talagang walang pinipili at hindi pihikan sa pagkain ang baby ni Ethel at maging gulay ay talagang kinakain nito

- Ipinakita rin nina Ethel ang kanilang nakakatuwang technique sa pagpapakain kay Baby Michaela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa nakakatuwang video ni Ethel kasama ang kanyang partner at ang kanilang baby na si Michaela.

Nalaman ng KAMI na may pamagat itong "MICHAELA'S MUKBANG! SUPER CUTE PANUORIN NITO! / ETHEL BOOBA VLOGS" na ibinahagi niya sa kanyang YouTube Channel.

Sa umpisa pa lang ng video, makikita na 'happy baby' si Michaela habang ipinakikita nina Ethel at partner nitong si Jessie Salazar ang nakakatuwang technique nila sa pagpapakain sa kanilang baby.

Read also

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

Ethel Booba, ibinahagi ang super cute na 'mukbang' video ng kanyang Baby Michaela
Si Ethel Booba kasama ang kanyang pamilya (Photo credit: @ethelbooba/ Ethyl Coyoca Gabison)
Source: Instagram

Sa video, makikita rin na hindi pihikan si Baby Michaela na super happy talaga tuwing meal time.

Maski gulay ay talagang kinakain niya. Ngunit pagdating sa ampalaya, lumalabas ang pagka-sweet ni Baby Michaela at nagagawa niyang ibigay ito sa kanyang Daddy Jessie.

Narito ang nakaka-good vibes na video ni Baby Michaela mula sa YouTube channel ng kanyang Mommy Ethel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ethyl Gabison o mas kilala bilang si 'Ethel Booba', ay isang singer, comedienne, at vlogger sa Pilipinas. Masaya siya ngayon sa buhay pamilya kasama ang partner na si chef Jessie Salazar at ang kanilang unica hija na si Michaela.

Una nang naiulat ng KAMI ang eksklusibong panayam kay Ethel kung saan ibinahagi niya ng kanyang pagiging isang ina.

Kamakailan, hinangaan naman si Ethel dahil sa pasensyang ipinakita niya matapos siyang i-prank ng kanyang partner na si Chef Jessie.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel