Lola na naglalako ng mga ginantsilyo, magiging merchant na ng ISN ni Raffy Tulfo
- Mag-isang namumuhay si Lola Mila Mendoza na ang tanging ikinabubuhay ay ang paglalako ng kanyang mga ginantsilyo
- Nakarating kay Raffy Tulfo ang kalagayan ng masayahing matanda kaya naman mas lalo niya itong tinulungan
- Bukod sa tulong pinansyal, gagawing merchant din ni Raffy Tulfo si Lola Mila sa kanyang Idol Shopping network
- Sa ganitong paraan, mas marami ang makakakita ng produkto ni Lola Mila at mas lalaki pa umano ang maari nitong kitain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naantig ang puso sa kwento ni Lola Mila Mendoza na mag-isang namumuhay at paglalako ng kanyang mga ginantsilyo ang tanging pinagkakakitaan.
Nalaman ng KAMI na matiyagang inilalako ni Lola Mila ang iba't ibang gawa niya tulad ng sumbrero, pot holder, sling bag, cellphone holder at marami pang iba.
Kwento niya, minsan daw ay hindi na hinihingi ng bumibili sa kanya ang kanilang sukli na labis niyang ipinagpapasalamat.
At ngayong nakarating na rin ang kanyang kalagayan sa 'Wanted sa Radyo' ni Tulfo, mas malaking tulong ang kanyang matatanggap.
Bukod sa Php20,000 na tulong pinansyal at maaring ipamuhunan ni Lola Mila sa kanyang munting negosyo, inalok din siya ni Tulfo na maging merchant ng kanyang 'Idol Shopping Network.'
Doon, ipo-post ang mga ibinebenta ni Lola Mila na siya mismo ang nag-gantsilyo. Mas marami ang maaring makakita at makabili ng kanyang produkto.
Dahil dito, walang pagsidlan ng kasiyahan ang lola na abot-abot ang pasasalamat kay Tulfo.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh