Tyronia Fowler, hindi pabor na magkabalikan ang mommy niya at si Rob Moya

Tyronia Fowler, hindi pabor na magkabalikan ang mommy niya at si Rob Moya

- Hindi maipagkaila ni Toni Fowler na nagkaroon ng epekto sa kanyang anak na si Tyronia Fowler ang hindi magandang paghihiwalay nila ni Rob Moya

- Nang tanungin si Toni ng ilan sa kanyang mga tagahanga tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila ni Rob Moya, hindi napigilang sumagot ni Tyronia

- Tutol siyang magkabalikan ang dalawa dahil marami na umanong nagawang mali sa kanila si Rob

- Pinaalala naman ni Toni sa kanya na pwede silang magpatawad at sinagot naman ito ni Tyronia na maraming chance naman na umano ang binigay nila kay Rob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kung dati ay sobrang lapit ni Tyronia Fowler kay Rob Moya, tila kabaliktaran na ang sitwasyon simula nang magkahiwalay sila ni Toni Fowler.

Sa isang Facebook live ni Toni Fowler, minabuti niyang sagutin ang mga katanungan sa kanya ng mga netizens kabilang na nga ang posibilidad na magkabalikan sila ni Rob.

Read also

Rob Moya, binigyan ng regalong alahas ang mag-inang Toni at Tyronia Fowler

Tyronia Fowler, hindi pabor na magkabalikan ang mommy niya at si Rob Moya
Rob Moya
Source: Facebook

Kahit hindi siya ang tinatanong ay kaagad na nagpahayag si Tyronia ng kanyang pagtutol. Aniya, masyado nang maraming nagawang mali sa kanila si Rob.

Bilang isang ina, sinubukan ni Toni na paliwanagan si Tyronia na pwede naman nilang patawarin si Rob. Sinabi niya ring marami na silang binibagay na chance kay Rob.

Umaasa naman si Toni na darating ang araw na mapatawad na ni Tyronia si Rob at ayaw niya umanong lumaking may galit sa puso ang kanyang anak.

Nilinaw din ni Toni na ang kanyang magiging desisyon ay base sa magiging desisyon ng kanyang mga mahal sa buhay kabilang ang kanyang ate at ang anak na si Tyronia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel