Rob Moya, binigyan ng regalong alahas ang mag-inang Toni at Tyronia Fowler

Rob Moya, binigyan ng regalong alahas ang mag-inang Toni at Tyronia Fowler

- Tila unti-unti nang nanunumbalik ang dating samahan nina Toni Fowler at Rob Moya matapos nilang magkausap at magkapatawaran kamakailan

- Kaya naman para sa kaarawan ni Toni, bumili ng regalo si Rob para kay Toni at sa anak nitong si Tyronia

- Marami ang naantig sa naging reaksiyon ni Tyronia nang malaman niyang galing kay Rob ang regalong iniabot sa kanya ng kanyang mommy

- Ayon kay Toni, naiintindihan niyang may nararamdaman pa ring galit ang anak dahil sa ginawa ni Rob ngunit tinanggap parin nito ang regalo at nagpasalamat kay Rob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang muling pagkakaayos, hindi pinalagpas ni Rob Moya ang pagkakataong makabawi kina Toni at Tyronia Fowler. Para sa kaarawan ni Toni, bumili si Rob ng alahas para sa mag-ina.

Rob Moya, binigyan ng regalong alahas ang mag-inang Toni at Tyronia Fowler
Rob Moya
Source: Facebook

Personal niyang iniabot kay Toni ang mga alahas at siya mismo ang nagsuot kay Toni ng kwintas na kabilang sa set ng alahas na kanyang binili.

Read also

Robin Padilla, nilinaw ang kanyang pahayag na "pag-muslimin mo na lang"

Naipakita din sa vlog ang naging reaksiyon ni Tyronia nang iabot sa kanya ng kanyang mommy ang regalo ni Rob.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang biglang pag-iba ng reaksiyon ng mukha ni Tyronia nang sabihin sa kanya na galing iyon kay Rob. Kahit nag-alangan kung paano tatawagin ang dati'y kanyang "Daddy Rob," pinasalamatan pa rin ito ni Tyronia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel