Madam Kilay, kinaaliwan sa kanyang street concert sa HarborWalk Village sa Amerika

Madam Kilay, kinaaliwan sa kanyang street concert sa HarborWalk Village sa Amerika

- Marami ang naaliw sa video ni Madam Kilay kung saan nag-street concert siya sa HarborWalk Village sa Florida, USA

- Dahil sa angking husay sa pagkanta ay maraming mga foreigners ang nakikanta at nanood sa kanyang performance

- Habang hila-hila niya ang kanyang speaker at mikropono, naghanap si Madam Kilay ng mga taong papayag na kantahan niya

- Marami naman sa mga subscribers ni Madam Kilay ang naghayag ng kanilang paghanga sa pinamalas na husay ng vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang mga banyaga ay nakiindag at sumabay sa pagkanta ni Madam Kilay nang pumunta siya sa HarborWalk Village sa Florida, USA.

Habang hila-hila niya ang kanyang speaker, napapalingon ang mga tao sa kanya habang nagsasalita at kumakanta siya gamit ang hawak niyang mikropono.

Madam Kilay, kinaaliwan sa kanyang street concert sa Amerika
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Marami sa mga taong kanyang nadaanan ay itinutok ang kanilang mga cellphone upang kumuha ng video. Marami din ang napa-palakpak sa kanyang ipinamalas na husay sa pagkanta.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Sa huling bahagi ng kanyang ibinahaging video, mayroon pang nakikanta sa kanya na grupo ng kababaihan.

Panuorin ang kabuuan ng video ni Madam Kilay dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Read also

Chad Kinis, naloka sa nakitang pustiso sa ref ni Angeline Quinto

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel