Ethel booba, na-prank ng kanyang partner; pinahanga ang netizens sa pagiging kalmado

Ethel booba, na-prank ng kanyang partner; pinahanga ang netizens sa pagiging kalmado

- Na-prank si Ethel Booba ng kanyang partner na si Jessie Salazar kung saan pinalabas nitong nalagas ang kanyang buhok

- Kasabwat na ni Jessie ang mga tao sa salon kung saan nagpa-hair treatment si Ethel

- Naikwento nito na bukod sa kanya at sa kanilang anak, buhok ang talagang pinaka-iingatan ni Ethel

- Ngunit laking gulat din ng netizens nang makita ang reaksyon ni Ethel na hindi halos nagalit at sana'y magwo-walkout na lamang sa salon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabiktima ng isang prank si Ethel Booba ng kanyang partner na si Jessie Salazar.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ang kabuuan ng pangyayari kung saan pinalabas na nalagas ang maraming hibla ng kanyang buhok habang siya ay nagpapa-hair treatment sa isang salon.

Hindi alam ni Ethel, kasabwat na ni Jessie ang mga tao sa salon at maging ang may-ari nito ay alam ang magaganap na prank.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Ethel booba, na-prank ng kanyang partner; pinahanga ang netizens sa pagiging kalmado
Sina Ethel at Jessie (Photo credit: @ethelbooba)
Source: Instagram

Siniguro rin nilang walang ibang customer sa oras na iyon kundi si Ethel lamang para hindi matakot ang mga tao o magulat sa mga kaganapan.

Subalit ang mas agaw eksena sa pangyayari ay ang reaksyon ni Ethel nang ipakita na sa kanya ang mga buhok na pinalabas nina Jessie na nalagas.

Imbis kasi na magalit, mag-iyak o tumaas ang boses, nanatili itong kalmado at halos hindi na rin nakapagsalita sa mga staff ng salon.

Balak na sana nitong mag-walk out nang sabihin ni Jessie na prank lang ang lahat.

Nabanggit din kasi ng kanyang partner na bukod sa kanya at sa kanilang anak, pinakaiingatan talaga ni Ethel ang kanyang buhok.

Doon, wala pa ring nasabi halos si Ethel at sinabing paalis na lamang sana talaga siya.

Dahil dito, hinangaan siya ng mga nakapanood ng video sa pagiging 'team kalma' lamang nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe, kung ako to nagwala na ako pero si Ethel kamado lang"

Read also

Yam Concepcion, ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend

"Kita mong nag-alala siya sa buhok niya pero mahinahon pa rin siya o!"
"'Pag yung mga nagfi-feeling famous siguro nagwala na sa galit nag mumura... Iba si ethel in fairness kalma lang siya"
"I was expecting Ethel to make a scene but she didn't"
"Wala ka halos narinig kay Ms. Ethel, mahinahon lang din siya nagsalita, kahit noong sabihin na prank lang pala 'yon"

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa Ethel Booba YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ethyl Gabison o mas kilala bilang si 'Ethel Booba', ay isang singer, comedienne, at vlogger sa Pilipinas. Masaya siya ngayon sa buhay pamilya kasama ang partner na si chef Jessie Salazar at ang kanilang unica hija na si Michaela.

Una nang naiulat ng KAMI ang eksklusibong panayam kay Ethel kung saan ibinahagi niya ng kanyang pagiging isang ina.

Read also

Vlogger, namangha kung paano hinarap ng mga Pinoy ang baha at lindol na sabay na dinanas

Nakatutok din siya sa kanyang YouTube channel kung saan, kamakailan lamang ay umabot na si 1 million ang kanyang mga subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel