Yam Concepcion, ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend

Yam Concepcion, ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend

- Ikinasal na si Yam Concepcion sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si na si Miguel Cuunjieng

- Isang intimate civil wedding na dinaluhan ng mga taong malapit sa dalawa ang ginanap sa New York

- Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement na naganap noong 2018 pa

- Naging magkasintahan si Yam at Miguel ng anim na taon bago naganap ang kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinasal na ang aktres na si Yam Concepcion sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng ngayong araw sa New York.

Isang intimate civil wedding ang kanilang idinaos kung saan dumalo ang mga malalapit na tao para sa dalawa.

Bitbit pa ni Yam ang kanyang asong si Tiny sa kanyang paglakad para sa kanyang entrance.

Makikita din sa Instagram Story ni Tim Yap na kahit sa reception ay kasa-kasama ni Yam ang kanyang aso na kasabay niya rin nang magpunta siya sa America mula sa Pilipinas.

Read also

Scottie Thompson, ibinida ang kanyang misis na si Jinky Serrano sa Instagram

Yam Concepcion, ikinasal na sa kanyang long-time non-showbiz boyfriend
Photo from Yam Concepcion (yamconcepcion)
Source: Instagram

Kasalukuyang magkasama ang magkasintahan matapos nga magbakasyon si Yam kamakailan. Maraming beses na naging LDR ang dalawa ngunit tumagal ang kanilang relasyon at kasalukuyang nasa kanilang ika-anim na taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Inalmahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz, kumpirmadong kasali sa MUP 2021

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel