Senior HS na ulila na sa ama't ina, labis na naging emosyonal sa kanyang Graduation

Senior HS na ulila na sa ama't ina, labis na naging emosyonal sa kanyang Graduation

- Nag-viral ang video ng isang Senior high school student na mag-isang umiiyak sa araw ng kanyang Pagtatapos

- Bahagi kasi ng kanilang programa ang pagbibigay pugay sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng isang awitin

- Sa kasamaang palad, namayapa na pareho ang mga magulang nito

- Subalit, nilinaw ng estudyante na ang kanyang pag-iyak ay hindi dahil sa wala siyang magulang sa araw na iyon, ramdam daw niya ang presensya ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ni Marvin Hablado kung saan makikitang mag-isang umiiyak ang kanyang kaibigan na si Cris Somogoy.

Nalaman ng KAMI na katatapos lamang nina Marvin at Cris sa Senior High School at kuha ang naturang video sa kanilang graduation day.

Nagkaroon kasi ng bahagi sa kanilang programa kung saan nagbigay pugay sila sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng isang awitin.

Read also

Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph

Senior HS na ulila na sa ama't ina, labis na naging emosyonal sa kanyang Pagtatapos
Photo credit: Cris Somogoy/ Marwin Hablado
Source: Facebook

Sa kasamaang palad, walang kasamang mga magulang si Cris dahil sumakabilang buhay na pala ang mga ito.

Ang kanyang mga kapatid naman ay hindi rin nakadalo dahil wala ang mga ito sa kanilang lugar sa Quezon, Palawan.

Gayunpaman, ang pagluha ni Cris ay hindi lamang dahil sa kalungkutan. Katunayan, masaya raw siya sa araw na iyon dahil ramdam niya ang presensya ng kanyang mga magulang na alam niyang masayang-masaya para sa kanya.

Samantala, sa tulong ng pinapasukang tindahan ni Cris, maipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo kung saan kukuha raw siya ng kursong nursing.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng GMA News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng kinakaharap na pandemya, ay may mga kwentong nagbibigay pag-asa tulad na lamang ng mga nakapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng 'new normal' sa edukasyon.

Read also

Senior HS, nagbenta ng artworks para maka-graduate; mabibigyan pa ng scholarship

Matatandaang naunang naiulat ng KAMI ang tungkol sa jeepney driver na nagawang pagsabayin ang pag-aaral at pamamasada. Nito lamang Mayo ay nakatapos na siya ng kolehiyo sa isang pretihiyosong unibersidad sa bansa.

Kahanga-hanga rin ang isang delivery rider na naigapang ang pag-aaral sa kabila ng pagtatrabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica