Kris Aquino, nagpadala ng regalo para sa kaarawan ni Cristy Fermin

Kris Aquino, nagpadala ng regalo para sa kaarawan ni Cristy Fermin

- Ibinahagi ni Lolit Solis na sa kabila ng mga naganap sa pagitan nina Kris Aquino at Cristy Fermin, hindi kinalimutan ni Kris ang kaarawan ni Cristy

- Ikinatuwa ni Manay Lolit ang pagiging generous at thoughtful ni Kris na nagpadala ng regalo para sa kaarawan ni Cristy

- Aniya, isa sa magandang ugali ni Kris ang hindi mapagtanim ng galit at hindi bengador

- Matatandaang nakatakda sanang magkatrabaho sina Kris, Cristy at Manay Lolit ngunit naudlot ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Lolit Solis ang tungkol sa pagpapadala ni Kris Aquino ng regalo sa kanila para sa kaarawan ni Cristy Fermin. Ito ay sa kabila ng mga matatapang na salitang binitawan noon ni Cristy laban sa kanya matapos maudlot ang dapat sana'y pagsasamahan nilang proyekto kasama si Manay Lolit.

Kris Aquino, nagpadala ng regalo para sa kaarawan ni Cristy Fermin
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Ayon kay Manay Lolit, kabilang talaga sa magandang katangian ni Kris ang hindi mapagtanim ng sama ng loob at hindi bengador.

Read also

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob

Nakita mo Salve ang pagiging charming ni Kris Aquino ngayon birthday ni Cristy Fermin. Hindi siya nakalimot, binati at nagpadala ng konting regalo pati sa staff ng TIPMMG. Iyan kasi isang magandang ugali ni Kris Aquino, hindi mapagtanim, hindi bengador. Marunong tumanggap ng naughtiness niya, walang mean bone.

Ikinatuwa din niyang maganda din ang pagtanggap ni Cristy sa pag-reach out ni Kris.

Katuwa naman na bukas din ang puso ni Cristy sa pagri reach out ni Kris. Ang sarap ng lechon at chamisua, birthday noodles ng mga chinese, at agawan tayo sa GC hah hah hah.

Matatandaang sinabi ni Cristy na hinding-hindi siya tatanggap ng trabaho kasama si Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Read also

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel