Mobile graduation sa Surigao gamit ang pickup truck, hinangaan ng marami
- Marami ang humanga sa isinagawang mobile graduation sa Maligaya Elementary School ng Hinatuan, Surigao del Sur
- Gumawa talaga ng paraan ang mga guro sa nasabing paaralan upang maituloy ang graduation ng kanilang mga estudyante
- Gamit ang pickup truck, pumunta ang mga guro sa 16 nilang mga estudyante sa ikaanim na baitang
- Laking pasasalamat din ng mga guro na labis na nasiyahan at natuloy pa rin ang pag-akyat nila sa esntablado ng kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral at talagang hinangaan ng marami ang mobile graduation na isinagawa sa Maligaya Elementary School ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nalaman ng KAMI na gamit ang pickup truck, gumawa ang guro na si Raniel Cariñote Iyana at iba pa niyang mga kasama ng munting entablado.
Pinupuntahan nila ang 16 nilang mga mag-aaral na magsisipagtapos upang maipadama sa mga ito na tuloy ang kanilang graduation.
Ayon sa mga guro, hindi nila maaring gawin ang virtual graduation na isinasagawa ng marami. Wala umanong gadget at internet connection ang karamihan sa kanilang mga mag-aaral.
Kaya naman naisipan nila ang mobile graduation na ito na labis din na nakapagpasaya sa mga magulang ng graduating students.
Naranasan pa rin umano kasi nila ang umakyat ng entablado para isabit ang medalyang nakamit ng kanilang mga anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, nag-viral din ang isang mobile graduation na ginanap naman sa Antique. Gamit ang kalabaw, nag-ikot ang mga guro sa bahay ng kani-kanilang mga estudyante para lamang maituloy ang kanilang graduation ceremony.
Mula nang magsimula ang panuruang taong 2020-2021 noong Oktubre 5 ng nakaraang taon, kabi-kabilang sakripisyo ang hinarap ng mga mag-aaral, guro at magulang maipagpatuloy lamang ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
Kinumpirma naman ng Kagawaran ng Edukasyon na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng school year 2021-2022 sa Setyembre 13.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh