DepEd, inanunsyo na rin kung kailan magtatapos ang klase sa susunod na taon
- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Kagawaran ng Edukasyon kaugnay sa pagtatapos ng panuruang taon 2020-2021
- Tinatayang magkakaroon ng 200 school days ang School year 2020-2021 na magsisimula sa Oktubre 5
- Matatandaang orihinal na plano ang Agosto 24 bilang pagbubukas ng klase subalit dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 at nalagay pa sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilan pang lugar, iminungkahi na baguhin ito
- Ayon pa kay DepEd Secretary briones, mabibigyan pa ng sapat na panahon ang mga guro maging ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang bilang paghahanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglabas na ng karagdagang impormasyon ang Kagawaran ng Edukasyon kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Kamakailan ay inanunsyo na ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pag-urong ng pagbubukas ng klase.
Imbis na Agosto 24, inaprubahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing Oktubre 5 ang opisyal na pagbubukas ng klase sa mga papublikong paaralan sa bansa.
Nilinaw din ng Kagawaran na ang mga pribadong paaralan gayundin ang mga kolehiyo at unibersidad ay maaring sundin ang Agosto 24 na opening o ang mas pinaaga pang pagbubukas ng klase.
Sa opisyal na pahayag ng DepEd na inilabas ngayong Agosto 17, nasabi rin na 200 na school days ang bubuo sa School year 2020-2021 na magtatapos sa Hunyo 16, 2020.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang Christmas vacation ay magsisimula sa Disyembre 20 hanggang Enero 3.
"We trust that this is the final adjustment of the school opening. Even with the implementation of MECQ, we will use this time to make the necessary adjustments and ensure that all preparations have been made for the successful opening of classes," pahayag mismo ni Briones.
Nilinaw din ng DepEd na patuloy pa rin ang enrollment kaya inaasahang lolobo pang bilang ng mga magpapatala.
Dahil sa mga pagbabagong ito, mas magkakaroon pa ng sapat na oras sa paghahanda ang mga guro gayundin ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang lalo na at tinatawag na 'new normal' na sa edukasyon ang mararanasan ng mga estudyante.
Lalo na at may ilang mga napuna ang mga magulang at eksperto kaugnay sa lessons na naipalabas ng DepEd TV sa kanilang test broadcast noong nakaraang linggo.
Agad namang naglabas ng pahayag ang departamento ukol dito at sisiguruhing isa ito sa mga aayusin sa karagdagan pang araw ng paghahanda para sa Oktubre 5.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa darating na opening of classes, inaasahang iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto ang maaring magawa ng mga mag-aaral. Bukod sa online classes, maari rin silang makapanood ng kanilang lessons sa telebisyon o makapakinig gamit ang radyo.
At para sa mga wala talagang anumang gadget o appliances, may mga ipamamahaging learning modules na maaring sagutan at basahin ng mag-aaral.
Ito ay bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa kaya wala pa ring maaring papasukin sa paaralan hangga't wala pang nadidiskubreng lunas sa naturang virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh