Mobile graduation gamit ang kalabaw, hinangaan ng maraming netizens
- Kahanga-hanga ang pinakitang pagsusumikap ng mga guro ng Lawigan Elementary School sa Antique sa ginawa nilang 'mobile graduation'
- Gamit ang kalabaw na may hilang disenyo na animo'y maliit na entablado, sinuong nila ang putikan
- Ito ay upang matuloy ang pinakahihintay na Araw ng Pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang
- Maging ang mga netizens ay namangha sa dedikasyong ipinakita ng mga guro mapasaya lamang ang kanilang mga estudyante at mga magulang nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ukol sa 'mobile graduation' ng Lawigan Elementary School sa Antique.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Rosalina Serguino ang mga larawan kung saan makikita ang isang kalabaw ang naghihila sa munting entabado kung saan gaganapin ang pagkilala sa mga magsisipagtapos.
Talagang walang nakapigil sa mga guro mapa-COVID-19 man o ang putikang daraanan nila mapuntahan lamang ang kanilang mga mag-aaral na nag-aabang sa kanila.
Masasabi kasi na ang 'Graduation' o 'Araw ng Pagtatapos' ang pinakatampok na kaganapan sa isang paaaralan taon-taon. Subalit sa ikalawang pagkakataon, hindi ito maisakatuparan sa mga paaralan mismo.
Kaya naman malaking bagay ang naisip na ito ng mga guro kung saan naituloy pa rin nila ang pinakahihintay na araw ng kanilang mga estudyante sa ikaanim na baitang.
Maging ang mga netizens ay labis na namangha sa desikasyon ng mga guro, mabigyang halaga lamang ang hirap at sakripisyo ng kanilang mga graduating students at mga magulang nito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Naluha ako nung nakita ko ito. Anak ko kasi virtual graduation, pero ito todo effort talaga."
"Grabe! Bravo po teachers... Triple ang sakripisyo niyo para sa mga estudyante niyo para rito"
"Saludo sa lahat ng teachers at admin ng paaralan na nag-effort para mabgyan parin ng magandang graduation ang mga estudyante nila"
"Congrats graduates ang Kudos to your teachers na sinikap na mbigyan pa rin kayo ng graduation"
"Nakakahanga talaga ang mga gurong punong-puno ng dedication. Isang pasaludo po mga sir at Maam sa inyong effort. Maraming salamat po"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mula nang magsimula ang panuruang taong 2020-2021 noong Oktubre 5 ng nakaraang taon, kabi-kabilang sakripisyo ang hinarap ng mga mag-aaral, guro at magulang maipagpatuloy lamang ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
Kinumpirma naman ng Kagawaran ng Edukasyon na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng school year 2021-2022 sa Setyembre 13.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh