OFW, nakapagpapatayo ng bahay kasabay ng pagpapa-aral sa 2 college na mga anak
- Kahanga-hanga ang isang OFW sa Saudi na bukod sa pagpapatayo ng sariling bahay, napag-aarala pa ang dalawang anak na mga kolehiyo na
- Kwento niya, pagtapak pa lang niya sa ibang bansa, ipon kaagad ang kanyang inatupag
- Aminado rin siyang nakahihiram sa kamag-anak ngunit agad niya itong nababayaran
- Inaasahang matatapos na ang kanilang tahanan bago matapos ang taong kasalukuyan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Talagang nakakabilib ang diskarte sa buhay ng overseas Flipino worker na si 'Vicky.' Siya ay tubong Laguna ngunit pitong taon nang domestic helper sa Saudi Arabia.
Nalaman ng KAMI na mula nang tumuntong sa ibang bansa si Vicky, wala na itong ibang inatupag kundi ang makaipon ng pera na agad niyang ipinambayad sa lupa.
Target niya kasi agad ang makapundar ng bahay at lupa para sa kanila ng kanyang mister at dalawang mga anak.
Tulad ng ibang mga OFW, matinding hirap at maraming sakripisyo rin ang nagawa ni Vicky.
Aminado rin itong nakahiram ng malaking halaga sa mabait niyang kamag-anak para lamang makausad ang pagpapagawa ng kanyang bahay na inaasahang matatapos bago mamaalam ang taong 2021.
Agad naman niyang nababayaran ang nahihiram na pera dahilan para makaulit siya sa kamag-anak na nagtitiwala na sa kanya.
Bukod sa bahay at lupa, nakabili na rin sila ng dalawang motorsiklo na siyang nagagamit ng kanyang mga anak at mister na katuwang niya sa buhay.
Ang nakamamangha pa kay Vicky, natutustusan pa nilang mag-asawa ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang mga anak na pawang nasa 2nd year at 3rd year college na.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Vicky mula sa YouTube channel ng Dubai OFW:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na nakapagpatayo na muli ng bagong tahanan na minsan nang nasira dahil sa bagyong Yolanda. Ito umano ay dahil sa mabait at galante niyang amo na hindi naging madamot sa kanya.
Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh