Kylie Padilla, nagbahagi ng bagong vlog matapos ang kumpirmasyon ng ama

Kylie Padilla, nagbahagi ng bagong vlog matapos ang kumpirmasyon ng ama

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi ng panibagong vlog si Kylie Padilla simula nang pumutok ang kumpirmasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

- Matatandaang tuluyan nang kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa

- Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Kylie ang ilan sa mga treatment na kanyang pinagdadaanan para sa kanyang pagbabalik-alindog

- Marami naman ang nakapansin sa kanyang unti-unting pagbabalik sa dati niyang pangangatawan noong hindi pa siya nanganak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang panibagong vlog ang ibinahgi ni Kylie Padilla matapos ang kontrobersiyal na kumpirmasyon ng amang si Robin Padilla kaugnay sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Kylie Padilla, nagbahagi ng bagong vlog matapos ang kumpirmasyon ng ama
Photo from Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Sa kanyang bagong vlog ay ipinakita niya ang mga beauty treatment na kanyang pinagdaanan para maging matagumpay ang kanyang pag-babalik-alindog.

Marami ang nakapansin na tila lalong gumanda si Kylie matapos nga nito manganak sa ikalawang anak nila ni Aljur na si Axl.

Read also

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Go go go Ms. Kylie! Get focus on improvement , of yourself , as well as of being a good mother to your kids! God lights your way and bless you always! Women empowerment!
Balik alindog na ang momshi Ky
Go lang Kylie.... Isa yang pagpapa sexy uli o balik alindog para maka move on ka agad... Sa una lang masakit kaya kayanin mo lang.... Sa ngaun sarili mo muna lalo na mga ank mo ang intindihin mo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Read also

Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan niya dahil sa isang game

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel