Vice Ganda, sinabing ang pangarap niya talaga sa buhay ay maging face shield

Vice Ganda, sinabing ang pangarap niya talaga sa buhay ay maging face shield

- Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda sa kanyang pakikipag-usap sa isang contestant ng ReIna ng Tahanan sa It;s Showtime kung saan kasama niya si Kim Chiu

- Pabiro niyang sinabing pangarap niya talaga sa buhay ang maging isang face shield matapos niyang hingalin habang nagsasalita

- Naitanong sa kanya kung bakit niya pinangarap maging face shield at sinabi niyang dahil kahit walang silbi umano ang face shield ay hindi ito gini-give-up

- Ikinonekta niya pa ito sa pakikipagrelasyon na aniya ay kadalasan ay kapag wala nang silbi para sa tao ay gini-give-up

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging si Ruffa Guttierrez ay natawa na lamang sa banat ni Vice Ganda tungkol sa face shield. Ni-retweet niya ang video ng It's Showtima na kuha sa segment na ReIna ng Tahanan kung saan nakikipag-usap sina Kim Chiu at Vice Ganda sa isang kalahok.

Read also

Juliana Parizcova Segovia, inilabas ang saloobin kaugnay sa panghuhusga sa kanya

Vice Ganda, sinabing ang pangarap niya talaga sa buhay ay maging face shield
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Habang nagsasalita ay tila nahihirapan siyang huminga, kasunod nito ay binaggit ni Voce na ang pangarap niya talaga sa buhay a maging face shield.

Aniya, ito ay dahil kahit walang silbi, hindi gini-give-up. Ikinonekta niya pa ito sa pakikipagrelasyon na aniya ay kadalasan ay kapag wala nang silbi para sa tao ay gini-give-up.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Read also

Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo

Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel