Tindero ng plastik, nabigyan ng makeover ng isang matulunging stylist

Tindero ng plastik, nabigyan ng makeover ng isang matulunging stylist

- Isang tindero ng plastik ang nabigyan ng makeover ng stylist at vlogger na si Richard Strandz

- Mapapansing bukod sa hirap ng paglalako niya ng plastik ay mayroon din itong kapansanan

- Kaya naman nang gawin na ng stylist ang makeover sa tindero ay mababakas ang kasiyahan nito

- Bukod sa makeover, binigyan din siya ng vlogger ng tulong pinansyal, pagkain at damit na lalong nagpasaya sa tindero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawang pagtulong ng stylist at vlogger na si Richard Strandz sa tindero ng plastik na si Alvin.

Nalaman ng KAMI na bukod sa hirap nito sa paglalako ng plastik, mapapansin din na may kapansanan ito.

Dahil dito, madalas siyang mabiktima ng panghahamak at pangungutya maging sa sarili niyang pamilya.

Tindero ng plastik, nabigyan ng makeover ng isang matulunging stylist
Photo: Kuya Alvin (Richard Strandz)
Source: UGC

Kaya naman malaking bagay para kay Alvin ang makeover na handog sa kanya ni Richard.

Read also

Ralph Tulfo, sumusunod sa yapak ng amang si Raffy pagdating sa public service

Kumain muna sila habang nagkikwentuhan para makilala pa lalo ni Richard ang kanyang bibigyan ng tulong.

Namili rin sila ng damit at tsinelas nito na magagamit ni Alvin sa araw-araw niyang pag-iikot sa paglalako.

Mababakas ang saya sa mukha ni Alvin habang isinasagawa sa kanya ang makeover.

Aniya, presko at maaliwalas ang kanyang pakiramdam matapos siyang 'i-pamper' ni Richard.

Bukod dito, binigyan din siya ng stylist ng tulong pinansyal at pagkain kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Alvin matapos itong maihatid ni Richard sa tinutuluyan niyang bahay.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Richard Strandz:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Richard Strandz ay isang stylist na pinasok na rin ang mundo ng pagiging isang YouTuber. Nakilala siya dahil sa pagtulong niya sa lalaking nangangalakal na kanya ring binigyan ng makeover.

Read also

Guro, sinurpresa ng bagong laptop ang dating estudyante na humingi ng tulong

Artistahin kasi ang mukha nito na nilarawan pa niya bilang 'Chris Patt Look alike' sa kanyang vlog.

Isa rin sa mga natulungan ni Richard ay ang noo'y nagsasama pa lamang ng mga nangangalakal. Dahil kay Richard, nakapagpakasal ang mga ito kung saan sagot ng programa ng stylist at kanyang mga sponsors ang lahat ng gastusin matupad lamang ang hiling ng dalawa na maikasal na sa tagal ng panahon na sila ay nagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel