Raffy Tulfo, ibinahagi kung gaano ka-supportive ang asawa niya kahit noon pa
- Kilala si Raffy TUlfo bilang matapang na tagapagtanggol sa mga taong lumalapit sa kanya upang humingi ng tulong
- Sa panibagong vlog ni Karen Davila ay pinakita ni Idol Raffy ang kanyang pagiging mapagmahal na asawa
- Nakwento niya kung gaano umano ka supportive ang asawa niya sa kanya kahit pa napupuna nito ang kanyang bisyo noon
- Ito pa umano mismo ang bumibili ng pake-paketeng sigarilyo at karton-kartong alak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi maitago ni Raffy Tulfo ang kanyang paghanga kung gaano ka-supportive ang kanyang asawang si Congresswoman Jocelyn Tulfo. Ikinuwento niya kay Karen Davila kung gaano ito ka-supportive maging noong hindi pa siya kilala bilang isang news anchor.
Ayon kay Idol Raffy, maging sa kanyang bisyo ay sinuportahan siya ng kanyang asawa. Ito pa umano mismo ang bumibili ng pake-paketeng sigarilyo at karton-kartong alak.
Gayunpaman, kinalaunan ay napagtanto niyang kailangan niya nang talikuran ang mga bisyo para sa kanyang sariling kapakanan at para na rin sa kanyang pamilya.
Simula nang tumigil siya sa pag-iinom at paninigarilyo ay hindi na nito ni minsang sinubukang muli ang kanyang mga bisyo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.
Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.
Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh