Netizen, naantig ang puso sa pasasalamat ng lolo na nakisuyong magpa-withdraw ng pera
- Nag-iwan ng napakagandang aral sa buhay na insidente na naibahagi ng isang netizen
- Ikinuwento nito ang lolo na nagpatulong sa kanilang 'magpindot' sa ATM upang makakuha ng kanyang pensyon
- Nasabi nito na marami siyang kailangang bayaran sa kabila ng wala pang Php3,000 na laman ng kanyang card
- Kaya naman nagulat ang netizen nang pilit na iniaabot ng lolo ang halagang Php100 bilang pasasalamat daw nito sa pagtulong nila sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ni Yana Diaz Mostajo tungkol sa isang lolo na nagpatulong umano sa kanila na mag-withdraw ng pera sa ATM.
Nalaman ng KAMI na kakaibang mensahe sa buhay ang insidenteng ito na na umantig din maging sa puso ng marami.
"When it was our turn, he approached us and said "tulungan nyo naman ako nyan, hindi ako marunong mag pindot pindot eh," bungad ng lolo na lakas-loob na lumapit sa kanila.
Nagmagandang loob naman si Yana na tulungan ito lalo na at habang nagwi-withdraw naikwento ng lolo ang mga bayarin niya kaya kailangang makuha na niya ang pensyon na laman umano ng kanyang card.
Itinanong pa ng lolo ang lamang ng card na naglalaman ng wala pang Php3,000.
Nang maiabot nina Yana ang pera, agad na nagpasalamat ang lolo.
Subalit ang kanilang ikinagulat, nag-abot pa raw ang lolo ng Php100 bilang pasasalamat sa pagtulong daw nila.
Pilit nila itong ibinabalik lalo na at nalaman nila ang sitwasyon ng lolo.
"Wow, totoo bang nangyare yun? Si tatay na walang wala at kakarampot lang ang meron siya, magbibigay pa dahil lang tinulungan namin siya mag withdraw? Eh ako nga kahit kakilala na, minsan ang hirap pa rin magbigay"
Ayon pa kay Yana, sapat na sa kanila ang simpleng pasasalamat at ngiti ng lolo na nakapagbigay na rin sa kanila ng makabuluhang aral sa buhay.
"Many times in my life, I tend to question God's plan, and have a scarcity mindset, why do feel like I do not have enough? But just today, I encountered Jesus"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Umantig din sa puso ng marami kamakailan ang kwento ng isang ama na kahit na siya ay nabulag na, nagsisikap pa rin na magtrabaho para sa kanyang pamilya.
Gayundin ang mag-asawang nagmalasakit sa isang lalaking palaboy na tila wala na sa sarili na kanilang binihisan at binigyan ng makakain. Nang mag-viral ang post, naging daan pa ito para mahanap na ng kanyang pamilya ang palaboy.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh