Nag-viral na magkababata na naitampok sa KMJS, may sariling YouTube channel na

Nag-viral na magkababata na naitampok sa KMJS, may sariling YouTube channel na

- Mayroon nang sariling YouTube channel ang magkakabatang sina Yen at Ken na naitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho"

- Matatandaang sila ang nag-viral na mag childhood friends na nahanap ang isa't isa sa pamamagitan ng TikTok

- Ang programang KMJS ang nagbigay katuparan sa pagkikita ng dalawa makalipas ang 14 na taon

- Tatlong araw mula nang ilunsad nila ang kanilang YouTube channel, mayroon na agad silang mahigit 40,000 na subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa nang malamang may sarili nang YouTube channel ang magkababatang sina Juliene Karl Genove o "Yen" at ang kababata niyang si Kenneth Español.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Hulyo 2, inilunsad nila ang "KenYen PH OFFICIAL YTC."

Matatandaang sina Ken at Yen ang magkababata na nahanap ang isa't isa dahil sa TikTok.

Nag-viral na magkababata na naitampok sa KMJS, may sariling YouTube channel na
Sina Kenneth at Yen (Photo screengrab from @watahtah/ Kenneth Español)
Source: UGC

Nai-post ni Yen ang picture nila ni Ken na hindi na niya nalamang kung saan na naroon.

Read also

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

Magkapitbahay lamang daw sila noon ngunit hindi na nakapagpaalam ang pamilya ni Ken kina Yen nang sila ay lumipat na ng tirahan.

At dahil sa nai-post ni Yen ang kanilang larawan ni Ken sa TikTok, nahanap nila ang isa't isa.

Naisakatuparan naman ng programang KMJS ang kanilang pagkikita nang maitampok sila sa programa.

Marami ang kinilig sa kanilang cute na kwento. Ngunit pagbibigay linaw nila na sila'y magkaibigan lamang sa ngayon lalo na at focus muna sila sa kanilang pag-aaral.

Gayunpaman, hindi nila inaasahan na dadami ang kanilang mga fans na tila inaabangan na ang mga TikTok videos nila na magkasama.

Kaya naman ilang araw mula nang ilabas nila ang kanilang YouTube channel, umabot na agad sa 40,000 ang kanilang subscribers.

Sa pinakaunang video na kanilang inilabas, nagkaroon sila ng Q and A mula sa mga followers ni Yen sa kanyang Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Montes at Coco Martin, muling namataang magkasama sa Greenhills

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica