Julia Montes at Coco Martin, muling namataang magkasama sa Greenhills

Julia Montes at Coco Martin, muling namataang magkasama sa Greenhills

- Muling namataang magkasama sina Coco Martin at Julia Montes

- Sinasabing kuha ito sa Outdoors Club sa Greenhills kamakailan lamang

- Noong Marso, kinilig ang marami nilang fans nang makitang magkasama ang dalawa sa kanila umanong bakasyon sa Boracay

- Hindi lamang kasi picture ang lumabas kundi video kung saan masasabing magkasama nga ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na namang fans nina Julia Montes at Coco Martin ang kinilig nang makitang magkasama ang kanilang mga idolo.

Nalaman ng KAMI na isa na namang larawan ngayon ang lumabas kung saan magkasama umano ang dalawa sa Greenhills.

Sa post na inilabas ng Kapamilya Online World, makikita sina Julia at Coco sa Outdoors Club kasama ang isang nagpakuha ng larawang kasama ang dalawa.

Julia Montes at Coco Martin, muling namataang magkasama sa Greenhills
Photo: Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Agad na nag-viral ang larawan dahil bibihira lamang talaga na makitang magkasama ang rumored celebrity couple.

Read also

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

Gayunpaman, marami talaga ang natuwa at sinabing nirerespeto nila ang dalawa sa kabila ng tahimik nilang relasyon.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanilang fans at netizens:

"No need to confirm. We respect you po. Ganito yung mga relasyon na alam mong tatagal at forever!"
"We love you Coco and Julia. 'Di kailangang ipangalandakan, pero kita naman na masaya kayo together"
"Wahh! nadadalas na silang makunan ng picture na magkasama. Sweet!"
"Kahit pa takip ang mukha ni Julia, I can feel na sila 'yan. period! So happy for them."
"Julia and Coco forever... Ang tagal na nila and enough na nakikita na lang talaga sila na madalas magkasama.

Samantala, mismong ang Facebook page ng store na kanilang binisita ay ibinahagi rin ang larawan nila Julia at Coco na kuha umano noong Hulyo 2.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

James Yap, namataang nakilibing at nakiramay sa Pamilyang Aquino

Si Mara Hautea Schnittka, o kilala sa showbiz bilang si Julia Montes, ay isang Filipina actress. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at mas lalong nakilala nang mapili siya para maging si Clara Del Valle sa remake ng isa sa mga popular na teleserye ng ABS-CBN, ang 'Mara Clara'.

Sa isa sa kanyang interview kamakailan, muling napag-usapan ang kanyang love life. Ayon sa kanya, desisyon nilang pareho ng kanyang 'special someone' na maging pribado ang kanilang buhay pag-ibig. Wala mang kumpirmasyon, sinabi nitong kung ano ang nakikita ng tao, iyon na lamang din ang para sa kanila.

Noong Marso, maraming fans din nila ang natuwa nang makitang magkasama sa Boracay sina Coco at Julia na nakunan pa umano ng video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel