James Yap, namataang nakilibing at nakiramay sa Pamilyang Aquino

James Yap, namataang nakilibing at nakiramay sa Pamilyang Aquino

- Naihatid na sa huling himlayan ang dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III nitong araw

- Namataan nakilibing ang dating asawa ni Kris Aquino at ama ng anak niyang si Bimby na si James Yap

- Sa kabila ng napabalitang hindi magandang nangyari sa pagsasama nila ni Kris, hindi kinaligtaan ng basketbolista na makiramay

- Matatandaang nanuna nang pinasalamatan ni James ang dating bayaw sa pamamagitan ng isang Instagram post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namataan ang basketbolistang si James Yap sa mga taong nakilibing at nakiramay sa naulilang pamilya ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Kabilang ang dating asawa ni Kris sa mga naghatid sa huling himlayan ng dating pangulo sa Manila Memorial Park sa Paranaque.

James Yap, namataang nakilibing at nakiramay sa Pamilyang Aquino
James Yap (@jamesyap18)
Source: Instagram

Di kalayuan sa kanya ay ang mag-inang Kris at Bimby na hawak kamay na naglalakad.

Marami naman ang humanga kay James sa ginawa niyang ito sa kabila ng pinagdaanan nila ni Kris matapos niilang maghiwalay.

Read also

Boy Abunda, ibinida ang 'framed article' na magsisilbing alaala sa kanya ni PNoy

Mabuti naman kasi si Pnoy naging mabuting bayaw din naman Sa kanya at naging mabuting uncle kay Bimby.
This is called respect, purely a good gesture! Gayahin n’yo s James isinangtabi ang alitan nila ni Kris para makiramay. di tulad ng iba patay na nga kung anu-ano pa sinasabi
Very good gesture kahit may tampuhan pinakita pa Rin Ang respeto. Di Gaya Ng iba di Naman konektado at kadugo kung maka comment.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si James Carlos Agravante Yap Sr. ay isang professional basketball player para sa kuponang Rain or Shine Elasto Painters ng PBA o Philippine Basketball Association. Naging asawa niya ang aktres at TV host na si Kris Aquino ngunit nagkahiwalay din sila matapos ang halos limang taong pagsasama.

Matapos nga lumabas ang balitang pumanaw na si dating Pangulong Noynoy Aquino, isa si James Yap sa nagpahayag ng kanyang saloobin at pinasalamatan nito ang kanyang dating bayaw.

Read also

Driver ni PNoy, labis-labis ang kalungkutan: "Araw-araw kaming magkasama”

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel