Raffy Tulfo, ibinahaging binibigay ang kanyang buong kita sa asawa

Raffy Tulfo, ibinahaging binibigay ang kanyang buong kita sa asawa

- Sa isang vlog ni Karen Davila, dinalaw niya at nakaharap ang journalist na si Raffy Tulfo

- Sa kanilang pag-uusap, naibahagi ni Raffy ang tungkol sa personal na buhay nito

- Kahit may kita sila parehas na mag-asawa, buong-buo niyang binibigay ang kita niya sa kanyang asawa

- Kaya naman, pag iniwan daw siya ng kanyang asawa ay pulubi daw siya dahil wala siyang perang hawak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang TV at YouTube personality na mayroong imahe ng pagiging matapang at tigasin, ikinagulat ng marami na pagdating sa asawa niya ay iba pala si Raffy Tulfo o mas kilala sa tawag na Idol Raffy.

Raffy Tulfo, ibinahaging binibigay ang kanyang buong sahod sa asawa
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kwento niya kay Karen Davila sa vlog nito, kinagisnan niyang ang kanyang ama ay mahilig sa babae kaya ayaw niya umanong gayahin iyon.

Maging ang kanyang kinikita ay buo niyang ibinibigay sa kanyang maybahay. Kaya naman, kahit alam niyang hindi mangyayari, kapag hiniwalayan daw siya ng asawa, magiging pulubi daw talaga siya.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Naikwento din niya ang kanyang humble beginnings bago niya narating ang kanyang kasalukuyang estado ng buhay. Kahit may trabaho ang kanyang magulang, dahil marami silang magkakapatid ay hindi naging madali ang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: