Karen Davila, kinilabutan nang biglang mag-brownout habang kausap si Raffy Tulfo

Karen Davila, kinilabutan nang biglang mag-brownout habang kausap si Raffy Tulfo

- Kitang-kita ang reaksyon ni Karen Davila nang biglang mag-brownout habang kinakapanayam nito si Raffy Tulfo

- Ikinikwento pa naman ni Tulfo ang tungkol sa mga huling masasayang alaala niya tungkol sa kanyang ama

- Nagbiro tuloy si Tulfo na baka nga ang ama niya ang nagparamdam sa kanila dahil siya ang kanilang pinag-uusapan

- Sinubukan pang pigilan ni Karen si Raffy na magkwento ngunit nagpatuloy pa rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naitago ni Karen Davila ang kanyang reaksyon nang biglang mag-brownout habang kinakapanayam niya si Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na naging panauhin ni Karen si Tulfo sa kanyang YouTube channel kaya naman binisita niya ito sa isa pa nitong bahay sa Novaliches.

Habang nagkikwento si Tulfo ng kanyang mga alaala sa yumaong ama, bigla na lamang nag-brownout.

Karen Davila, kinilabutan nang biglang mag-brownout habang kausap si Raffy Tulfo
Photo: Raffy Tulfo kasama si Karen Davila (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kitang-kita ang reaksyon ni Karen lalo na nang sabihin ni Tulfo na "Baka tatay ko 'yun."

Read also

Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana

"Parang nagparamdam," pagpapatuloy pa ni Tulfo.

"Oh my God, 'wag mo nang pag-usapan!" pagpigil naman ni Karen kay Tulfo na nagpatuloy pa rin ng pagkikwento tungkol sa kanyang ama.

Bukod dito, ipinasilip din ni Tulfo ang kanyang nakakalulang koleksyon ng mga damit at sapatos na lahat ay pawang mga branded. Nilarawan tuloy ni Karen na parang department store na ang kwarto ng koleksyon ni Tulfo.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Karen Davila kay Tulfo na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

May-ari ng kumpanyang nagpasweldo ng mga sentimo, inako ang pagkakamali

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel