Lalawigan ng Batangas, nagsisimula nang maglikas ng mga residenteng malapit sa bulkang Taal
- Itinaas na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal matapos ang 'phreatomagmatic eruption' na naganap ngayong Hulyo 1
- Dahil dito, agad na naglabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaugnay sa aktibidad ng bulkan
- Inirekomenda na rin ng Phivolcs ang pagpapalikas sa mga malalapit sa bulkan tulad ng mga nasa Barangay Agoncillo at Laurel
- Sa pahayag naman ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, nakahanda na umano ang lalawigan sa paglikas ng mga residente partikular sa mga nabanggit na lugar
- Pinaalalahanan din niya ang mga apektadong lugar na manatiling alerto at patuloy na mag-antabay sa mga kaganapan kaugnay ng pag-alboroto ng bulkan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakataas na sa Alert level 3 ang bulkang Taal matapos ang aktibidad nito na nakunan ng video ngayong Hulyo 1.
Nalaman ng KAMI na tinatawag na 'phreatomagmatic eruption' ang naganap na naging dahilan ng pagtaas ng alert level ng bulkan.
Kaugnay nito, inirekomenda na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paglikas ng mga nasa high-risk area partikular na sa Barangay Agoncillo at Laurel sa Batangas.
Kasama si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa press conference na isinagawa agad ng Phivolcs matapos ang aktibidad ng Taal.
Sinabi nitong nakahanda na ang lalawigan sa paglikas ng mga residenteng malalapit sa bulkan.
Mula Batangas City ay nakapagpadala na umano sila ng mga sasakyan para sa mga lilikas.
Inasahang nasa 3,523 na mga pamilya o nasa 14,000 na mga indibidwal ang mananatili muna sa evacuation sites.
Ilang oras matapos ang naganap na 'phreatomagmatic eruption', iilan pa lamang ang na-evacuate dahil na rin sa ipinatutupad na sa social distancing.
Inaasahaang pansamantalang ma-ookupahan ang mga pampublikong paaralan at ilang simbahan sakaling kinakailangan pa ng mas maraming lugar na mapaglilikasan.
Paalala rin ng pinuno ng lalawigan na patuloy na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng iba't ibang bahagi ng Batangas gayundin sa update ng Phivolcs upang maging alerto sa mga susunod na pangyayari sa pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Samantala sa Facebook page ng MDRRMO Agoncillo, na isa sa mga barangay na maituturing na 'high-risk', ibinahagi na ang mga Evacuation plan na makatutulong sa kanilang mga residente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh