Noranians, nabahala matapos makita si Nora Aunor na nakaupo sa wheelchair

Noranians, nabahala matapos makita si Nora Aunor na nakaupo sa wheelchair

- Ikinabahala ng maraming Noranians ang ibinahaging picture ni Nora Aunor sa kanyang social media account

- Makikita ang Superstar na nakaupo sa wheelchair habang nakaharap sa kanyang mga halaman

- Hindi maiwasang mag-alala ng mga tagahanga at taga-suporta niya tungkol sa kanyang kalusugan

- Marami sa mga Noranians ang nag-aabang sa bagong project ni Nora na Kontrabida kasama sina Jacklyn Jose at Rosanna Roces

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga ni Nora Aunor ang nabahala sa kalusugan ng kanilang idolo matapos magbahagi ng picture ang Superstar sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang isang babae na nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa kanyang mga halaman.

Noranians, nabahala matapos makita si Nora Aunor na nakaupos sa wheelchair
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Agad na nagpabatid ng kanilang pag-aalala ang ilan sa mga Noranians kasunod ng ibinahaging picture ni Ate Guy.

Narito ang ilan sa kanilang mensahe:

Read also

Sarah Geronimo, trending sa social media dahil sa kanyang "pasabog" na hairstyle

Mahal kong ate guy...sana lague ka lang nasa ok na kalagayan..kailangan ka po naming maga Pilipino...ikaw na lamang an natitirang alamat ng industriyang aliwan sa Pilipinas...mag ingat po kau parate
Thank u Tami for taking care of Nora Aunor i hope she will have a check up every 3 months para maagapan agad kung anuman ang sakit ni Guy, 'im not comfortable seeing Nora na hiningal at naka wheelchair hope everything is fine May God bless u always Guy.

Nilinaw naman ng tumatayong tagapag-alaga niya na ginagawa nila ang lahat para maging mas maayos ang kalusugan ng Superstar.

Marami pong salamat sa pag aalala kay Mam, wag po mag alala lahat ng nag mamahal kay mam dahil ,we are doing everything po para mas maging malakas po sha that includes check up and everything needed to be done po, and she is taking all the vitamins prescribe by her Doctor po

Read also

Dra. Vicki Belo, todo suporta kay Ivana sa "Who Wore it Better" ng Fashion Pulis

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang isyu sa kanila ng kanyang mga anak na naging dahilan ng pagkakabatikos ng kanyang anak. Hindi pinalampas ni Matet de leon ang mga nambatikos sa kanilang magkakapatid.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel