Matet de Leon, muling bumwelta sa "mababait" na Noranians

Matet de Leon, muling bumwelta sa "mababait" na Noranians

- Hindi pinalampas ni Matet de Leon ang mga negatibong komento laban sa kanya ng tagasuporta ng ina

- Tinawag siya ng isang netizen na walang kwentang ampon dahil sa pagsagot sagot umano nila laban sa kanilang ina

- Matatandaang muling sumiklab ang isyu hinggil sa tampuhan ng kanilang pamilya kasunod ng isyung hindi sinipot ni Ian de Leon ang inihandang dinner ng ina

- Sinuportahan nina Matet at Lotlot ang paglabas ni Ian ng hinanakit sa kanilang ina kasunod ng lumabas na write-up tungkol sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Matet de Leon ang mga bumatikos sa kanya kaugnay sa isyu ng tampuhan nilang mag-iina. Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Matet ang screenshot ng mga komento ng netizens laban sa kanya.

Isang netizen ang nagsabing dapat ay inunawa nilang magkapatid ang kanilang ina kahit pa ano ang nagawa nito. Pinaalala din nito na dahil kay Nora Aunor kung kaya narating nila ang kung anong buhay mayroon sila.

Vlogger, namigay ng maagang pamasko sa mga Katutubong Aeta sa Aklan

Pinaalala din nito na ampon lang sila at dapat daw ay tigilan nila ang pagsagot sa mga komento at tinawag silang mga walang silbing ampon.

Matet de Leon, muling bumwelta sa "mababait" na Noranians

Photo from Ian de Leon (@ian_de_leon_official)
Source: Instagram

Isang netizen naman ang nagpahiwatig na tila balak lamang nilang pagkaperahan magkapatid ang kanilang ina.

"Korek di na lang manahimik tong mga ampon na to feeling ko may pera nanamn si ate guy kaya mga nagiingay mga to."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sarkastiko naman ang naging bwelta ni Matet sa mga netizens na aniya ay mga "Noranian."

"Ang babait talaga ng mga 'noranians' I LOVE YOU ALL!

Hindi na masyadong napag-uusapan ang tungkol sa tampuhan ng mag-ina nitong mga nakaraang buwan. Gayunpaman, muling naging usap-usapan ito matapos pumutok ang balitang hindi sinipot umano ni Ian ang inihandang dinner ng ina para sa kaarawan niya.

Kasunod nito ay nabatikos si Ian dahil sa lumabas na write-up kaya napilitan itong maglabas ng kanyang paliwanag sa pamamagitan ng isang live stream sa kanyang YouTube channel.

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Ayon kay Ian, masaya siya nang magkausap sila ng ina at nang humingi ito ng tawad sa mga pagkukulang nito sa kanya.

Gayunpaman, ang dahilan ng hindi niya pagsipot ay dahil sa naging request ng kanyang ina. Ito ay kung maari niyang i-vlog ang kanilang pagkikita. Hindi ito nagustuhan ni Ian dahil mas gusto niyang pribado umano sana ang kanilang pag-uusap.

Hindi din niya nagustuhan ang pagpaalam ng ina na papuntahin ang isang hindi pinangalanang tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ian de Leon ay isang Pinoy actor na anak ng batikang aktor na si Christopher de Leon at Nora Aunor. Nakilala siya sa pagganap bilang Commander Zion sa Zaido at lead role sa kanyang pelikulang Halimaw.

Matatandaan na inalmahan ng magkakapatid na Matet, Ian at Lotlot ang bintang na pinabayaan nila ang kanilang ina.

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Naging isyu din na hindi nakadalo si Nora sa kasal ni Lotlot sa asawa nitong Lebanese businessman na si Fadi El Soury kaya naman inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa lumabas na mga haka-haka.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel