Kris Aquino, pinaaral at pinakanta kay Jaya ang paboritong kanta ni PNoy
- Ipinahanap talaga ni Kris Aquino ang pamagat at mismong awitin na sinasabing paborito ni dating Pangulong Noynoy Aquino
- Nalaman niyang paulit-ulit itong pinakikinggan ni PNoy kaya kaya talagang hinanap nila ito at inabot sila ng tatlong oras
- Orihinal na kanta ito ni Celeste Legaspi ngunit ang bersyon ni Aiza Seguerra ang mas napusuan ng yumaong Pangulo
- Nang mahanap ang awitin, agad na pinaaral niya ito kay Jaya na nagpaunlak na awitin ito sa memorial services ng dating Pangulo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lingid sa kaalaman ng lahat na mahilig ang yumaong Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Musika.
Nalaman ng KAMI na ipinahap talaga ng kapatid nitong si Kris Aquino ang awiting "Minsan ang minahal ay ako" na sinasabing paborito ng dating Presidente.
Sa memorial services na ginanap sa Ateneo De Manila sa gabi bago ihatid sa huling hantungan si PNoy, ikinuwento ni Kris na halos lagi raw nitong pinakikinggan ng pumanaw na Pangulo.
"There's one song in particular that Noy had been listening to over and over again I was told na It was his favorite"
"I think we spend three hours trying to research the song. It was originally done by Celeste Legaspi"
Subalit kwento pa ni Kris na ang bersyon ni Aiza Seguerra ang mas napusuan ng Pangulo na patugtugin ng paulit-ulit.
Nagpasalamat siya sa kanyang Cornerstone family na natulungan siyang ipaaral kay Jaya ang awitin.
Binahagi rin ni Kris ang ilang lyrics ng kanta na aniya'y mas naunawaan niya ang kahulugan ngayong wala na ang kapatid na si 'Noy.'
Narito ang bersyon ni Jaya ng paboritong kanta ni Presidente Noy na ibinahagi ng Radyo Pilipinas at ng Rappler:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh