Raffy Tulfo, nagbabala sa publiko ukol sa modus ng mga pekeng RTIA page

Raffy Tulfo, nagbabala sa publiko ukol sa modus ng mga pekeng RTIA page

- Nagbigay babala si Raffy Tulfo ukol sa mga naglipanang pekeng page ng "Raffy Tulfo in Action"

- Napag-alaman nilang bukod sa pagpapanggap ng mga ito na bahagi ng programa ni Tulfo ay namemera pa umano ito sa mga napapaniwala nila

- Sinasabing para mapadali ang pagpaparating ng kanilang hinaing sa programa, nanghihingi ang pekeng social media page ng Php5,000

- Ayon kay Tulfo mga 'kawatan' ang namamahala ng pekeng page at hinihinalang mga adik na wala umano sa katinuan na nanloloko pa sa mga kababayang naghihikahos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglaan ng oras sa 'Wanted sa Radyo' si Raffy Tulfo upang balaan ang publiko sa mg naglipanang pekeng 'Raffy Tulfo in Action' (RTIA) social media page lalo na sa Facebook.

Nakarating na umano sa kaalaman ng RTIA ang umano'y panggagamit at pagpapanggap ng ilang mga page na ito na may kaugnayan sila kay Raffy Tulfo.

Read also

Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay

Ang masaklap pa rito, naloloko pa umano ng mga ito ang mga netizens na 'dumudulog' sa kanila na magbigay ng perang nagkakahalaga ng Php5,000 para mas madali umanong mapansin ni Tulfo ang mga daing at sumbong ng mga mamayan.

Raffy Tulfo, nagbabala sa publiko ukol sa modus ng mga pekeng RTIA page
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Binigyang diin ni Tulfo na hindi kailanman sila nanghihingi ng kung ano mula sa mga kababayang lumalapit sa kanilang programa gayung naghihirap na nga ang mga ito at nanghihingi ng tulong.

"Baka mga drug addict 'yang mga yan, really. Hindi na sila naawa, meron na ngang pangangailangan hirap na hirap na nga naghihingalo na nga, kailangan ng medical assistance, hihingan nila ng pera para matulungan at para makasali sa atin."

Hinala ni Tulfo, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang admin ng pekeng FB page.

"Ibig sabihin, ito pong admin ng Raffy Tulfo in Action e-commerce website, adik po ito malamang!"

Binanggit din niya ang iba pang mga pekeng page na "Raffy Tulfo in Action Fans", "Raffy Tulfo in Action Fans Live".

Read also

McDonald's PH, nilinaw na walang masisisante dahil lang sa sirang packaging BTS meal

Nagtataka rin si Tulfo na marami pa rin umanong mga miyembro ang naturang page sa kabila ng halos araw-araw nilang update sa kung ano lang ang mga lehitimong social media page nila at kung ilan na ang kanilang mga subscribers.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica