McDonald's PH, nilinaw na walang masisisante dahil lang sa sirang packaging BTS meal
- Naglabas na ng pahayag ang McDonald's Philippines kaugnay sa mga nasususpinde o nasisisante umano nilang empleyado
- Ito ay dahil sa mga 'mishandled packaging' ng BTS meal na nais sana ng ilang mga fans na maayos pa rin na makararating sa kanila
- Isa kasi ito sa koleksyon na ginawa ng ilang fans, kaya ayaw sana nilang magusot o masira ang packaging ng BTS meal
- Kaugnay nito, isa umanong delivery rider ang nakaranas ng pagkansela ng order dahil lamang nakita ng customer na nabasa na ang paper bag ng BTS meal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nilinaw ng McDonald's Philippines na wala umano silang sinisanteng empleyado dahil lamang sa 'mishandled packaging' ng BTS meal.
Nalaman ng KAMI na may ilang mga customers ang nagrereklamo umano kapag gusot, basa at hindi na maayos ang packaging ng kanilang BTS meal.
Karamihan kasi sa mga umo-order nito ay fans ng KPop group na ginagawang collection ang naturang packaging ng McDonald's.
May ilang mga lumabas sa social media kaugnay nito na nakaranas umano ng pagkansela ng orders ang delivery riders kapag nakita ng customer na hindi na maayos maging ang paper bag na pinaglagyan ng meal.
Sinasabi pa ng iba na nasisante o nasuspinde ang mga empleyado ng McDonald's o maging ng food delivery app kaugnay ng ganitong klaseng isyu.
Naibahagi ng netizen na si Keneth Quinto ang isa sa mga pangyayaring ito.
Dahil dito, agad na nilinaw ng McDonald's Philippines na walang ganoong kaganapan gayung na-train nila ang kanilang empleyado lalong-lalo na sa paghahanda ng BTS meal na pinakaabangan ng mga Filipino fans
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil din sa dagsa ng orders sa BTS meal, isang delivery rider ang masuwerteng natulungan ng mga BTS Army na nakalikom ng PHP45,000 para sa kanya. Nag-post lamang ang delivery rider na patuloy lamang na mag-order ng naturang meal sa McDonald's at malugod niyang ide-deliver ito sa mga customers.
Ang BTS ay kilalang isang KPop group na hindi lamang kilala sa Korean music scene kundi maging sa buong mundo. Binubuo sila ng pitong miyembro na nagsumikap na makamit ang tinatamasang kasikatan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh