Dating tricycle driver, naging matagumpay sa kanyang 'fried chicken' business
- Isa na ngayong matagumpay na negosyante ang dating tricycle driver na si Joymar Olarte dahil sa patok na paninda niya
- Katuwang ang kanyang misis, napagtagumpayan nila ang pagkakaroon ng anim na store ng kanilang 'fried chicken'
- Ang recipe ay mula sa kaibigan ni Joymar na sana'y magtatayo ng 'fried chicken' business sa Pangasinan
- Dahil sa kanyang patok na negosyo, mayroon na siyang apat na tricycle, 4x4 Suzuki multicab, isang Mitsubishi L-300 at 600-square meter na lote
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang tinatamasang tagumpay ng isang dating tricycle driver na si Joymar Olarte dahil isa na siya ngayong negosyante.
Hindi inaakala ni Joymar na ang fried chicken recipe na naibahagi lamang sa kanya ng kanyang kaibigang si Inggo Baya ang siyang makapagbibigay ng maraming oportunidad sa kanya.
Si Inggo sana ang magtatayo ng nasabing negosyo sa Pangasinan subalit naisipan pa rin nitong bumalik ng Zambales.
Sa umpisa'y naisantabi pa ni Joymar ang naibahaging recipe hanggang sa ang mismong misis na niya ang sumubok.
Nagsimula lamang ang sila sa puhunan na Php2,300. Sa unang araw nila ng pagtitinda, alas singko lamang ng hapon ay ubos na lahat at kinulang pa.
Hanggang sa nakilala na ang masarap na fried chicken ng 'J&J tasty fried chicken' sa Urdaneta at Villasis, Pangasinan.
Isa pa sa binabalik-balikan ng kanyang mga suki ay ang abot-kayang halaga nito. Sampung piso lamang ang 'leeg' part at Php20 naman para sa leg, wing, thigh, at breast part.
Umabot na sa anim ang stores nila ng J&J tasty fried chicken. Dahil din sa matagumpay na negosyo nakapag-pundar na rin sila ng iba pang ari-arian tulad ng apat na tricycle, 4x4 Suzuki multicab, isang Mitsubishi L-300 at 600-square meter na lote.
At nito lamang Mayo, isa si Joymar sa mga 10 honorees ng 18th Citi Microentrepreneurship Awards.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, hinangaan din ang isang raketero na nagawang magkaroon ng anim na trabaho. Naging matagumpay na negosyante rin siya na naging daan para magkaroon siya ng sariling bahay at lupa pati na rin sariling sasakyan makalipas lamang ang pitong taon.
Gayundin ang isang OFW na hindi na pinatagal pa ang pangingibang bansa dahil nang makaipon ng sapat na salapi, nagtayo ito ng sarili niyang travel and tours business.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh