Vlogger, pinasobrahan ang simpleng hiling ng nakasalubong niyang farmer

Vlogger, pinasobrahan ang simpleng hiling ng nakasalubong niyang farmer

- Bumilib ang vlogger na si Virgelyncares sa simpleng hiling ng nakasalubong niyang magsasaka

- May dala itong ani na gagawing walis tambo at humanga siya sa simpleng hiling nito

- Napansin niyang agad na nakangiti ang farmer na nakasalubong kaya niya ito kinausap bago abutan ng tulong

- Labis na nagpasalamat sa kanya ang magsasaka sa hindi niya inaasahang tulong na natanggap mula kay Virgelyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humanga ang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' sa nakasalubong niyang magsasaka nang balikan niya ang PWD na kanyang tinutulungan.

Nalaman ng KAMI na habang naglalakad sina Virgelyn at ang tinutulungan nitong bulag na si Jimmy Delos Santos, nakasalubong nila ang nakangiting magsasaka.

Napansin siya ni Virgelyn at tinanong niya ito kung ano ang kanyang nais o kailangan.

Read also

Nag-viral na PWD na tindero ng walis, naghahakot ng buhangin para sa ipinatatayong tindahan

Vlogger, pinasobrahan ang simpleng hiling ng nakasalubong niyang farmer
Photo: screengrab from Virgelyncares 2.0
Source: UGC

Nahihiya pang magsabi ang magsasaka na dala-dala ang ani na gagawing walis sa kung ano ang kailangan niya.

Ngunit nang pilitin siya ni Virgelyn, sinabi nitong dalawang daang piso lamang ang kailangan niya.

"Kahit pambili lang po ng ulam," sagot ng farmer kay Virgelyn.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mas lalong humanga sa kanya ang vlogger kaya naman dinagdagan niya talaga ang hiling ng magsasaka. Sinabi rin niya na mula ito sa mga OFW na patuloy na sumusuporta sa mga napili niyang tulungan sa kanyang channel.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan.

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Isa sa mga nag-viral na natulungan ni Virgelyn ay ang dalagang si Clara Matos na hinangaan ng marami dahil sa kanyang kasipagan. Siya ang naghahanapbuhay para sa kanilang mag-ama dahil na-stroke na ito at iniwan naman sila ng kanyang ina.

Nakapagpatayo na siya ng kanilang tahanan dahil sa kanyang mga raket tulad ng online selling at paglalako noon ng merienda. May sarili na rin siyang tindahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica