Diego Loyzaga, binati ang kanyang amang si Cesar Montano ng Happy Father's Day

Diego Loyzaga, binati ang kanyang amang si Cesar Montano ng Happy Father's Day

- Marami ang natuwa sa pagbati ni Diego Loyzaga sa kanyang amang si Cesar Montano ngayong Father's Day

- Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Diego ang picture nilang mag-ama kalakip ang maiksing pagbati

- Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama noon at nagbahagi ng kanyang saloobin si Diego sa social media

- Si Diego ay anak ni Cesar sa batikang aktres na si Teresa Loyzaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinatuwa ng mga netizens ang ibinahaging pagbati ni Diego Loyzaga para sa ama sa Father's Day sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

Ibinahagi niya ang picture nilang mag-ama kung saan nakaakbay ang kanyang ama sa kanya. Kalakip nito ay ang pagbating "Happy Father's Day."

Diego Loyzaga, binati ang kanyang amang si Cesar Montano ng Happy Father's Day
Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Sa mga nakaraang taon, hindi nababanggit ng aktor ang kanyang ama sa anumang okasyon. Matatandaang taong 2017 nang maghayag ng kanyang sama ng loob ang aktor. Kaugnay ito sa umano'y pag-deny sa kanya ng ama at pag-akusa tungkol sa bagay na hindi niya ginawa.

Gayunpaman, sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing mga social media posts. Mayroon na lamang screenshots nito na nakapaloob sa mga naisulat na writeups tungkol sa hinaing ni Diego.

Diego Loyzaga, binati ang kanyang amang si Cesar Montano ng Happy Father's Day
Diego Loyzaga Instagram story (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Bahagi ng kanyang pahayag noon ay tungkol sa post ng aktor kung saan binayaran nya ang tuition fee ng kanyang mga anak.

"Salamat naman sa Diyos pinagaral mo ang mga anak mo. Karapat dapat lang naman ata ng isang ama gawin iyon, eh no?"
Diego Loyzaga, binati ang kanyang amang si Cesar Montano ng Happy Father's Day
Deleted post of Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala sa kanyang screen name na Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano.

Read also

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego sa kalagitnaan ng seryeng Los Bastardos kung saan isa siya sa bida.

Matapos ang kanyang matagal na pagpapahinga sa showbiz, muli siyang naging aktibo sa social media. Isinapubliko niya ang tungkol sa realsyon nila ng aktres na si Barbie Imperial. Kinakiligan din ang pinakitang suporta ng kani-kanilang mga ina sa kanilang pagmamahalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel