Customer na inakalang walang lasa ang KFC iced tea, kinagiliwan ng netizens
- Kinagiliwan ang post ng isang netizen na kinabahan dahil wala raw lasa ang na-order nilang drinks sa KFC
- Natakot ang customer sa pag-aakalang wala na siyang panlasa na isa umano sa mga sintomas ng pagkakaroon ng COVID-19
- Pabirong sinabihan nito ang KFC na huwag basta-basta magbabago ng timpla ng inumin na nagdulot ng matinding kaba sa kanya
- Umabot na sa 67,000 na reaksyon ang naturang post na mabilis na nag-viral
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naaliw ang mga netizens na nakakita sa post ni Mark Paul Mecate tungkol sa inumin niya na -na-order kamakailan sa KFC.
Nalaman ng KAMI na aminadong kinabahan si Mark dahil wala umanong lasa ang inumin na kasama ng kanyang pagkain.
"Drink ko ay Iced Tea. Pag higop ko, kinabahan na agad ako, walang lasa."
Hinintay din niyang uminom ang kanyang kasama upang makumpirma kung wala ba talagang lasa ang inumin o siya lang ang nawalan na ng panlasa.
Ngunit nang sabihin nang kanyang kasama na tila walang lasa ang kanya ring iced tea, natawa na lamang sila lalo na at nakita rin nila ang syrup na kasama nito.
"Nag update pala sila sa Iced tea nila. Yung sugar, ikaw na maglalagay para tumamis. Hindi namin yun alam."
Dahil dito, pabiro niyang sinabihan ang KFC na huwag basta-basta magbabago ng timpla ng inumin na nagdulot umano ng matinding kaba sa kanila.
"Sa panahon ngayon, panlasa ang isa sa mga pinaka importante," pahayag ni Mark na may kasamang "laughing" emoji.
Ang kawalan ng panlasa kasi ay isa sa mga sintomas ng pagkakaroon ng COVID-19 kaya naman ganoon na lamang ang takot ni Mark nang inakala niyang wala na siyang malasahang inumin o pagkain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na natuwa:
"Hahaha, nakakatakot nga naman ito. Kayo KFC ah! Pinakaba niyo si kuya"
"Ang kulit! timpla-timpla din daw kasi. Pero masarap talaga ang Iced tea nila lalo na pag maraming ice"
"Sa panahon nga naman ngayon importante ang panlasa. hehe! may pa-syrup na pala ang KFC"
"Dahil dito mapapa-KFC ako at para makaranas magtimpla ng kanilang syrup"
"Wow! bago yan ah. Masarap pa naman talaga ang iced tea nila"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, nag-viral din ang video kung saan tila naguluhan ang isang sevice crew ng Jollibee nang biglang may umorder sa kanila ng 'crispy fried towel.'
Ito ay matapos na maging usap-usapan ang sinasabing 'fried towel' imbis na fried chicken na nai-deliver mula sa Jollibee sa BGC Taguig.
Agad namang naglabas ng pahayag ang kilalang fast food chain kaugnay sa insidente na naging dahilan ng tatlong araw na pagkakasara ng branch.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh