Tulfo, na-very good ang Nestle sa agarang aksyon sa Chuckie pero pinatatagalog ang pahayag

Tulfo, na-very good ang Nestle sa agarang aksyon sa Chuckie pero pinatatagalog ang pahayag

- Nakarating na sa Raffy Tulfo in Action ang viral post tungkol sa Nestle Chuckie na mayroong kakaibang itsura at lasa

- Nilinaw naman ng noo'y nagrereklamo na hindi naman siya nagsasampa pa ng kaso dahil dito

- Nakausap na rin kasi niya ang manager ng Nestle Philippines na agad na nakipag-ugnayan sa kanya

- Sinabi rin nito na patuloy nilang pai-imbestigahan ang pangyayari kahit na maituturing ito na isolated case

- Sa kabila ng agarang pag-aksyon na ito ng Nestle, paalala pa rin ni Tulfo na kung sakaling maglalabas ito ng pahayag kaugnay sa nangyari, tagalugin na lamang sana nila ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating pa rin sa programa ni Raffy Tulfo ang umano'y viral post ni James Daniel Correa kaugnay sa Nestle' Chuckie na may kakaibang itsura at lasa na muntik nang mainom ng kanyang anak.

Read also

Nestle Chuckie, ipina-Tulfo dahil sa kakaibang itsura at lasa nito

Nalaman ng KAMI na agad namang nakipag-ugnayan ang Nestle' Philippines kay James upang alamin ang nangyari.

Malinaw kasi sa pakete na Oktubre 2021 pa ang expiration nito. Ang tatlo pang nabili nina James na kasabay ng Chuckie na "panis" na ay maayos naman ang kondisyon.

Tulfo, na-very good ang Nestle sa agarang aksyon sa Chuckie pero pinatatagalog ang pahayag
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Paliwanag ng Nestle' na maaring nagkaroon ng maliit na butas ang inumin dahilan para ito umano ay ma-contaminate.

Pinahahanap pa sana ng Nestle' ang mga iba pang Chuckie mula sa tindahan na pinagbilhan ngunit naitapon na rin ito.

Patuloy pa rin umano itong paiimbestigahan ng Nestle upang di na muling mangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, na-very good ni Tulfo ang Nestle sa agaran nilang pag-aksyon upang masiguro rin ang kalidad ng kanilang produkto.

Subalit paalala muli niya na sakaling maglalabas pa ng statement ang Nestle kaugnay dito, sana raw ay tagalog na upang mas maintindihan ng mga Pinoy.

Read also

70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matatandaang, nang makarating din sa kanyang programa na 'Wanted sa Radyo' ang statement ng Jollibee kaugnay sa kontrobersyal na "fried towel" noong nakaraang linggo, iginiit ni Tulfo na sana'y isinalin din ang pahayag sa wikang Filipino o Tagalog upang mas madaling maintindihan ng mga Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica