OFW na nangangalakal sa ibang bansa, nakaka-jackpot sa mga napupulot nilang 'basura'

OFW na nangangalakal sa ibang bansa, nakaka-jackpot sa mga napupulot nilang 'basura'

- Masasabing nakaka-jackpot ang ilang mga kababayan nating OFW na pinasok ang 'dumpster diving'

- Sila ay pawang mga 'nangangalakal' sa ibang bansa subalit taliwas ng mga makukuha dito sa Pilipinas, maayos na gamit at maging pagkain ang kanilang nakukuha

- Minsan pa ngang nakapulot ng mga alahas ang isa nating kababayan at talagang nagulat siya dahil mga nakakahon pa ang mga ito

- Isa ring OFW ang nakapulot naman ng mamahaling bag na naibenta pa rin niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilan sa mga kababayan natin sa ibang bansa ang buong tapang na pinasok ang pagiging isang "dumpster diver."

Nalaman ng KAMI na ito ay ang pangangalakal na ginagawa ng mga OFW kung saan nangunguha sila ng mga pagkain at gamit mula sa basurahan.

Ngunit taliwas sa kalagayan ng mga basura rito sa bansa, maaayos at malilinis pa ang mga nakukuha nilang basura sa 'dumpster' o mula sa mas malalaking trash bin.

Read also

Babaeng may taas na 6'1, ikinuwentong 5'7 na siya noong siya ay nasa Grade 1

OFW na nangangalakal sa ibang bansa, nakaka-jackpot sa mga napupulot nilang 'basura'
Photo: dumpster (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isa sa mga kababayan natin sa Amerika ang malaki na ang natitipid sa kanilang paggo-grocery dahil sa kanyang pagiging dumpster diver.

Madalas kasi ay nakakakuha pa sila ng mga pagkain sa basurahan ng isang grocery at maaayos pa umano ang kondisyon ng mga ito.

Mula sa libo-libong nagagastos noon sa grocery, nasa $200 na lang ang nagagastos niya kada buwan na noo'y lingguhan na niyang budget.

Maging mga karne, prutas at gulay ay kanyang napupulot at malilinis pa itong nakabalot.

Minsan na rin daw siyang nakakita ng mga alahas na talagang naka-kahon pa kaya naman labis talaga siyang natuwa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala isa ring kababayan nating nasa Japan ang madalas na suwertehin sa mga napupulot na gamit mula rin sa mga itinatapon ng mga residente roon.

Kung hindi kasi appliances, mga mamahaling bags ang kanyang napupulot.

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

Ang iba, madalas na lamang niyang maipang-OOTD habang ang karamihan naman ay kanyang ibinibenta.

Aniya, wala naman daw silang nilalabag na batas sa kanilang ginagawa kaya naman tuloy ang kanyang pangangalakal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa Brigada:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica