Babaeng may taas na 6'1, ikinuwentong 5'7 na siya noong siya ay nasa Grade 1

Babaeng may taas na 6'1, ikinuwentong 5'7 na siya noong siya ay nasa Grade 1

- Naging panauhin ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga si Jen, isang babaeng may taas na 6 '1

- Kinumpirma ni Jen na nasa Grade 1 pa lamang siya, umabot na sa 5'7 ang kanyang height

- Aminadong napapagkamalan pa umano siyang teacher ng kanyang mga kaklase

- May ilang mga bagay talaga siya na hindi basta nagagawa noong siya ay bata pa dahil sa kanyang tangkad ngunit ngayon, marami namang oportunidad ang dumating sa kanya dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jen sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga ang kanyang kwento sa pagkakaroon ng tangkad na umabot sa 6'1.

Nalaman ng KAMI na talagang malaking bulas si Jen at kinumpirma nitong nasa Grade 1 pa lamang siya ay umabot na sa 5'7 ang kanyang tangkad.

Dahil dito, madalas siyang mapagkamalan ng kanyang mga kamag-aral na isa sa kanilang mga guro.

Read also

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

Babaeng may taas na 6'1, ikinuwentong 5'7 na siya noong siya ay nasa Grade 1
Photo: Bawal Judgmental guest "Jen" (Eat Bulaga)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dumating pa nga umano sa punto na ipinagdarasal na niya na huminto na siya sa pagtangkad taliwas sa karaniwang dasal ng mga bata na sana ay tumangkad pa lalo sila.

Subalit nang siya ay nasa wastong gulang na, doon na niya tuluyang natanggap ang biyaya ng pagkakaroon ng ganoong klaseng tangkad na bihira sa mga babae.

Mas marami umanong mga oportunidad ang dumating sa kanya tulad ng pagmomodelo dahil nabiyayaan siya ng tangkad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa mahigit na 40 na taon sa telebisyon, marami nang kuwento ang naibahagi ng "Eat Bulaga" sa ating mga Pilipino. Ang longest-running noontime show na ito ang pinagmulan ng ilang mga sikat na artista ngayon.

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

Ito rin ang programang nakapagbigay tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Hindi lamang kasiyahan at papremyo ang dala ng Eat Bulaga.

Nagbibigay din sila ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan sa bawat araw na sila'y mapapanood tuwing tanghali sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica