Ina, natagpuan ang anak na may special needs nang sumali sa 'Bawal Judgmental'

Ina, natagpuan ang anak na may special needs nang sumali sa 'Bawal Judgmental'

- Natagpuan ng ina ang kanyang anak na may special needs sa tulong ng segment ng 'Eat Bulaga' na 'Bawal Judgmental'

- Mga inang nawalan ng anak ang contestant ng programa noong Setyembre 12

- Dahil sa mga nakapanood ng noontime show, marami ang nagpadala ng mensahe sa ina na nakita nila ang anak nito

- Kinumpirma ng programa na natunton na ng ina ang kinaroroonan ng anak ngunit dahil sa mga safety protocols na dapat sundin, hindi pa sila maaring magkita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina, natagpuan ang anak na may special needs sa tulong ng 'Eat Bulaga'

Nanay Muriel (Screengrab from Eat Bulaga Facebok)
Source: Facebook

Naluha ang inang si 'Muriel' habang ikinikwento niya kung paano nawala ang anak na si Earl John, mahigit isang taon na ang nakalipas.

Nalaman ng KAMI na pawang mga inang nawalan ng anak ang contestant sa segment ng Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental.'

Kwento ni Nanay Muriel, 20-anyos na ang nawawalang anak ngunit may special needs ito.

Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

Nagtitinda raw siya noon ng bananacue nang magpaalam ang anak na pupunta lamang sa kanyang tiyo.

Nakakabalik naman daw iyon dati ngunit sa pinakahuling pagkakataon, hindi na ito nakauwi pa.

May ilang nakapagsabi kay Nanay Muriel na nakailang lipat ng sasakyan si Earl John kaya malaki ang posibilidad na nawala nga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa tagal ng panahon na nawalay sa anak, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nanay Muriel na matatagpuan niya ito.

Nanawagan siya sa publiko lalo na sa mga nakakita sa kanyang anak na agad na ipagbigay alam sa kanya ang kinaroroonan nito.

Mula nang mapanood ang episode na ito sa telebisyon ay sunod-sunod na ang mga nagpadala ng mensahe kay Nanay Muriel.

Hanggang sa mayroon na ngang nakausap ang ina at nakumpirmang naroon nga ang anak na si Earl John.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Masayang ibinalita ito ni Vic Sotto sa Eat Bulaga ngayong Lunes, Setyembre 14.

Subalit dahil sa mga safety protocols na dapat sunduin, hindi pa maaring magkita ang mag-ina.

Narito ang kabuuan ng video:

Sa tagal na 40 na taon sa telebisyon, marami nang kuwento ang naibahagi ng 'Eat Bulaga' sa ating mga Pilipino.

Ang longest-running noontime show na ito ang pinagmulan ng ilang mga sikat na artista ngayon.

Ito rin ang programang nakapagbigay tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.

Hindi lamang kasiyahan at papremyo ang dala ng Eat Bulaga. Nagbibigay din sila ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan sa bawat araw na sila'y mapapanood tuwing tanghali sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel