OFW, nanlumo sa kinahinatnan ng pinaghirapang ipundar na bahay

OFW, nanlumo sa kinahinatnan ng pinaghirapang ipundar na bahay

- Hindi napigilang maglabas ng kanyang pagkadismaya ang isang Overseas Filipino Worker

- Ito ay matapos masira ang kanyang pinaghirapang ipundar na bahay dahil sa umano'y pagbuka ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay

- Labis na nasira ang kanilang bahay na napalagyan na niya ng bakod at halos kumpleto na ang pagkakagawa nito

- Kabilang ang kanilang bahay sa pitong mga kabahayan na nasira sa Barangay Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado ang OFW na si Sally Niesalie Asuncion Viernes na labis niyang ikinalungkot ang sinapit ng kanyang pinaghirapang bahay sa Barangay Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela.

Kabilang ang kanilang bahay sa pitong mga bahay na nasira matapos umanong bumuka ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay at maging ang lupa sa mataas na bahagi kaya nagkaroon din umano ng kaunting lanslide.

Read also

Donnalyn Bartolome, naiyak dahil sa dinanas ng online seller na natulungan nya

OFW, nanlumo sa kinahinatnan ng pinaghirapang ipundar na bahay
Sally Niesalie Asuncion Viernes
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang ibinahaging post sa Facebook, hindi pa umano nakita nang personal ni Viernes ang nasabing bahay. Hindi pa niya naranasang tirhan ito bago man lamang tuluyang masira.

Aminado siyang mahirap bumangon mula sa pangyayaring ito. Gayunpaman, nagpapasalamat siyang walang nangyaring masama sa kanyang mga mahal sa buhay.

Aniya, doble kayod ang ginawa nila ng kanyang ina para makapagpundar ng bahay. Bukod sa pagiging OFW ay online seller din siya.

Patapos na sana umano ang contract niya ngunit dahil sa nangyari ay kailangan umanong mag-extend na muna siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pangingibang bansa ang isa sa itinuturing ng karamihan na sagot sa kahirapan ng buhay sa bansa. Marami sa mga Pinoy ang nagsasapalaran sa ibang bansa sa pag-asang makaahon sa kahirapn kahit pa ang kapalit nito ay malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Read also

OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Karamihan sa mga nagiging problema ng mga Overseas Filipino Workers ay ang pagmamaltrato sa kanila ng kanilang amo. Mayroon din namang nagkakaproblema sa pamilya dahil sa pagkakaroon ng kalaguyo ng kanilang mga asawa o karelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate