Donnalyn Bartolome, naiyak dahil sa kwento ng buhay ng online seller na natulungan nya

Donnalyn Bartolome, naiyak dahil sa kwento ng buhay ng online seller na natulungan nya

- Pumili ng mga taong karapat-dapat tulungan ang vlogger na si Donnalyn Bartolome

- Gayunpaman, imbes na pera ang ibigay, napagpasyahan niyang trabaho at permanenteng pangkabuhayan ang kanyang ibibigay

- Tatlong motorsiklo at limang negosyo package para sa limang online sellers ang kanyang pinamigay

- Naniniwala siyang mahalagang tumulong pero mas magandang mabigyan umano ng pangkabuhayan ang mga taong nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walong katao ang napili ni Donnalyn Bartolome na bahagian ng tulong. Imbes na pera o pagkain na kadalasang binibigay na tulong ng mga personalidad, napagpasyahan niyang pangkabuhayan at trabaho ang kanyang ibibigay.

2nd article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tatlong bagong motorsiklo ang kanyang pinamigay sa tatlong taong kanyang napili na magkakaroon ng trabaho sa isang ride hailing app na hindi umano kukuha ng porsiyento habang nasa pandemya pa.

Read also

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

Ito ay para buong-buo ang magiging sahod ng mga taong nabigyan ni Donna ng motorsiklo.

Samantala, limang online sellers ang kanyang nabahagian ng negosyo package kung saan produkto niya mismo ang ibebenta. Sa limang napili, tatlo lamang ang nakaharap niya dahil ang dalawa ay nagmula sa malayong lugar.

Hindi naman napigilang maiyak ng vlogger sa kwento ng isa sa limang online seller na namatayan ng anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate