10-anyos na Pinoy na pasok sa America's Got Talent 2021, pinuri ni Celine Dion

10-anyos na Pinoy na pasok sa America's Got Talent 2021, pinuri ni Celine Dion

- Matapos na mag-viral ang audition video ng 10 taong gulang na si Peter Rosalita sa America's Got Talent 2021, tumanggap na ito ng maraming papuri

- Isa na rito si Celine Dion na siyang original singer ng kanyang audition piece na "All By Myself"

- Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat din si Peter sa kilalang International Singer

- Bukod sa husay niya sa pag-awit, labis na natuwa sa kanya ang mga judges na sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum, at Simon Cowell

- Dahil dito, nakatanggap siya ng apat na "yes" at may standing ovation pa ito matapos ang kanyang performance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang samupung taong gulang na si Peter Rosalita nang mag-viral ang audition video nito sa America's Got Talent 2021 (AGT).

Nalaman ng KAMI isa sa mga nagpabatid ng papuri kay Peter ay ang itinuturing na "one of the best-selling artists of all time" na si Celine Dion.

Read also

Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

Sa tweet ni Celine, binigyang puri niya si Peter kung saan nagawa pa niyang i-share ang aktwal na audition video nito sa AGT.

10-anyos na Pinoy na pasok sa America's Got Talent 2021, pinuri ni Celine Dion
Photo: Peter Rosalita
Source: Facebook

Isang "Bravo" at clapping emojis ang natanggap ni Peter mula sa international singer na orihinal na kumanta ng kanyang audition piece na "All By Myself."

Sa kanyang Facebook post, agad namang nagpasalamat si Peter sa natanggap niyang papuri mula kay Celine.

Matatandaang naging agad eksena ang audition ni Peter sa AGT. Bago pa man niya kasi siya kumanta, labis nang natuwa sa kanya ang mga judges na sina Sofia Vergara, Howie Mandel, Heidi Klum, at Simon Cowell dahil sa pagiging "adorable" nito.

At nang matapos na nga ang kanyang makapanindig balahibong performance, "standing ovation" ang kanyang natanggap mula sa judges gayundin sa audience ng pinakabagong season ng AGT.

Nilarawan ni Cowell na "Incredible" ang audition na ito ni Rosalita.

“There were parts during that audition which literally gave me goosebumps. You have an amazing voice, an amazing personality, an amazing energy. Everyone is gonna fall in love with you after this audition,” ayon sa kilalang hurado ng AGT.

Read also

Rabiya Mateo, kumanta ng "Only Reminds Me of You" sa isang Meet and Greet event

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil din sa labis niyang napabilib ang mga hurado, lahat ng mga ito ay "yes" ang ibinigay sa kanya na nangangahulugang pasok na siya sa next round ng paligsahan.

Mayroon nang 32.5 million views ang kanyang video sa Facebook page ng AGT habang 4.4 views naman sa YouTube channel nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2021, ika-16 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.

Samantala, noong nakaraang taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan.

Read also

John Lloyd Cruz, emosyonal na pinasalamatan si Willie Revillame

Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses.

Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng nakaraang AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel