John Lloyd Cruz, emosyonal na pinasalamatan si Willie Revillame

John Lloyd Cruz, emosyonal na pinasalamatan si Willie Revillame

- Hindi napigilang maging emosyonal ni John lloyd Cruz sa kanyang unang pagsabak sa telebisyon simula nang isapubliko niya ang pagbabalik-showbiz

- Hindi niya nakaligtaang pasalamatan si Willie Revillame na ayon sa kanya ay ang dahilan kung bakit siya nakabalik

- Naroroon din ang aktres na si Maja Salvador, ang may-ari ng Crown Artist Management kung saan kasalukuyang nakapirma ng kontrata si John Lloyd

- Agad namang nag-trending sa social media ang pagbabalik-telebisyong ito ni John Lloyd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang aktor na si John Lloyd Cruz nang pasalamatan niya ang TV host na si Willie Revillame sa muli niyang pagbabalik sa mundo ng showbiz matapos ang mahigit apat na taong nagpahinga siya.

John Lloyd Cruz, emosyonal na pinasalamatan si Willie Revillame
John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pulis na namaril sa isang lola sa QC, naipong galit ang idinahilan sa nagawa niya

Sa live show ng isang sikat na online shopping app, muling nagisnan sa telebisyon ang award-winning actor na si John Lloyd.

Namataan din doon si Maja Salvador na may-ari ng talent agency kung saan nakapirma ng kontrata si John Lloyd, ang Crown Artist Management.

Nang tanungin siya ng TV host na si Willie Revillame kung ano ang kanyang nararamdaman sa kanyang pagbabalik, hindi nito napigilang maging emosyonal habang pinapasalamatan si Kuya Wil.

"Nagpapasalamat sa 'yo, nandito ako, excited to be back...Si Kuya Willie, nandito ako dahil sa yo, thank you, thank you..."

Ani Willie, dinanas niya rin ang pinagdaanan ni John Lloyd at marami din umanong tao ang tumulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Read also

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nakatakdang magtambal sa isang sitcom

Siya ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Kasabay ng pagsasapubliko ng tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz, ibinahagi din ni John Lloyd ang kanyang official na social media pages.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel