Madiskarteng anak, nagawan ng paraan na mabawi ang nakasanglang bahay para sa ina

Madiskarteng anak, nagawan ng paraan na mabawi ang nakasanglang bahay para sa ina

- Kahanga-hanga ang kwento ng pagbangon ni Julius Brian Capistrano

- Aminadong sinubok talaga sila ng tadhana nang masangla ang kanilang bahay at hindi na mabayaran ng kanilang pamilya

- Sumabay pa rito ang maagang pagpanaw ng kanyang ama kaya naman siya na rin ang dumiskarte na makapagtapos siya ng pag-aaral

- Dahil sa kanyang mga pinasok na munting negosyo, nabawi na nila ang bahay at nabayaran na ng buo ang pagkakautang

- Mayroon na rin siyang sariling negosyo na lalong lumakas sa kasagsagan ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang nakakabilib ang kwento ng mga pinagdaanan sa buhay ng netizen na si Julius Brian Capistrano.

Nalaman ng KAMI na matinding dagok sa kanilang buhay ang dala-dala nila sa loob ng ilang taon na nag-ugat sa pagkakasanla ng bahay nila na hindi na nila kinayang bayaran pa.

Read also

Estudyanteng iginapang ang pag-aaral sa paglalako ng chicharon, college graduate na

Nalubog na raw sila sa utang at namatay pa ang kanyang ama sa murang edad nito na 44.

Anak, nagawan ng paraan na mabawi ang nakasanglang bahay para sa ina
Photo from Julius Brian Capistrano
Source: Facebook

Bukod sa pagkakasangla ng kanilang tirahan, naranasan din nilang mawalan ng tubig at kuryente ng ilang taon. Aminado siyang ganoon ang dinanas nilang hirap na ultimo pambili ng posporo ay wala sila noon.

Hanggang sa dumating ang araw na talagang idinaan nila sa mataimtim na dasal ang lahat na umabot pa sa puntong naging emosyonal na silang mag-ina.

Tila milagro ang naganap at nagkaroon sila ng pambayad ng buo sa pinagkaka-utangan at naibalik na rin sa kanila ang kanilang tahanan. Bukod dito naipa-renovate na rin nila ito.

Dala ng kanyang diskarte at kasipagan mula pagkabata, nagawan nila ng paraan na hindi basta mawala ang isang bagay na alam niyang labis na makapagpapasaya sa kanyang ina.

Sa ngayon, masasabing matagumpay na negosyante na siya kung saan ang produkto niya'y mas lalong nakilala sa kasagsagan ng pandemya.

Read also

Kaanak ng curfew violator na pumanaw, tuluyan nang kinasuhan ang dalawang tanod

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Julius na kanyang naibahagi sa KAMI:

"I started a habit of buy and sell during college days na walang puhunan kung hindi laway at lakas ng loob at integrity na meron ako. Una mga RTW, candies, then i save my net income. Then Student assistant sa school.
"Nagworking student, waiter at kung ano ano pa. Nag work din ako sa isang resort at sa isang logistics company and i save a lot instead of spending it sa mga luho. Pero ang naging breakhtrough ko e yung pagkakaroon ng online business na mag start din sa 300 pesos na puhunan at lakas ng loob lang. i was able to create my own brand of food products po. We started sa Laboratory Tested na pure honey, then calamansi concentrate, peanut butter, chia seeds, coffee, tablea de Davao etc."

Read also

Hiling ni Reymark Mariano na makapiling na muli ang ama, tinupad ng KMJS

"That was 3 yrs ago nag start. Lahat ng kinikita ko doon e di ko basta basta ginagastos but i add it sa puhunan. Lumaki yung business dahil sa tulong na din ng mga naging kaibigan sa ecommerce family. They are humble and willing to help those who are small pa then i put my products sa shopee and nagkaroon ng mga distrubutors. Peak ng business namin e during the 1st wave ng Pandemic kasi need ng mga tao ng honey to boost their immune system and because of our commitment to do the business with Integrity and with the help of courier company where i worked before, we made it happen."
"Hindi naman masama mangutang. Pero importante na marunong tayo magbayad at humarap sa pinag kakautangan. Una, dahil hindi lang pera ang hiniram natin kundi yun tiwala. I personally believe na importante ang charcter kesa sa pera e. Sa mga nalubog sa utang, magbayad..magsikap, mangarap at gumawa ng hakbang para matupad ang pangarap. Manalangin sa Lord for wisdom at guidance. They need to move forward at huwag magmukmuk lang at umiyak. Matatapos din ang lahat ng ito pero di ka pwedeng maghintay lang. Kelangan mo may gawin na paraan kasi maiiwan ka sa laban ng buhay."

Read also

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling tindahan na rin

"Si Lord ang bida sa life story po namin e and sya yung dapat ma-glorify kung ano man ang meron po kami now."
Anak, nagawan ng paraan na mabawi ang nakasanglang bahay para sa ina
Photo from Julius Brian Capistrano
Source: Facebook

(Ang negosyo ni Julius na Ligwan Wild Honey)

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Minsan ding nag-viral ang kahanga-hangang kwento ng isang 17-anyos na raketera na nagawang makapagpatayo na ng bahay para sa kanila ng kanyang ama.

Tulad din ni Julius, dala ng labis na pagmamahal niya sa kanyang ama, siya na mismo ang nagsumikap upang mabigyan ito ng maginhawang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: