Kaso ni Jonel Nuezca, patuloy na umuusad; asawa at anak humarap na sa korte
- Nagbigay ng update ang anak ni Sonia Gregorio patungkol sa kaso laban sa pulis na si Jonel Nuezca
- Sinabi nitong patuloy ang pag-usad ng kaso at masasabing mabilis na umano para sa isang murder case
- Humarap na rin umano sa korte ang anak at asawa ni Nuezca na pawang mga testigo niya
- Sa Hunyo 10 gaganapin ang susunod na hearing ng kaso kahit nasa video call pa rin si Nuezca at hindi pa rin humaharap mismo sa korte
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbigay ng update ang anak ni Sonia Gregorio kaugnay sa kasong isinampa nila laban sa pulis na si Jonel Nuezca.
Sa panayam ni Noli De Castro ng ABS-CBN News TeleRadyo sa isa pang anak ni Sonia na si Mark, sinabi nitong patuloy na isinasagawa ang hearing ng kaso laban kay Nuezca
Nasabi pa umano ng kanilang mga abogado na maituturing na mabilis ang pag-usad ng kaso gayung umaabot ng taon ang tulad nito na isang double murder case.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nabanggit din ni Mark na humarap sa hearing noong Mayo 6 at Mayo 20 ang asawa at anak ni Nuezca bilang mga testigo nito.
Subalit mismong si Nuezca ay hindi pa rin sumisipot sa korte na dumadalo ng hearing sa pamamagitan ng video conferencing.
Sa Hunyo 10 na ang kasunod na hearing ng kaso na ginaganap sa Paniqui, Tarlac.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Kamakailan, isa na namang pulis ang umano'y walang-awang namaril ng isang 52-anyos na ginang sa Fairview, Quezon City. Bukod sa nakakainom ang pulis na nakilalang si Police Master Sgt. Hensie Zinampan, naipong galit umano ang sinasabi niyang dahilan ng pananabunot at pamamaril sa ginang.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh