Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez

Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez

- Tuluyan nang naghain ng reklamong concubinage ang vlogger at Kapuso actress na si Jelai Andres laban sa asawang si Jon Gutierrez

- Ayon sa lumabas na ulat, kasama din sa sinampahan ng reklamo ang napapabalitang karelasyon ni Gutierrez at ang tumutulong sa kanilang relasyon

- Dumating din si Jon kasama ang kanyang abogado ngunit hindi na sila nagpasa ng counter affidavit

- Nauna na rin umanong nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril ang kampo ni Andres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang vlogger-actress na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang miyembro ng grupong Ex-Battalion na si Jon Gutierrez na kilala din sa pangalang King Badger.

Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

Sa ulat ng News 5, sinampahan ng reklamong concubinage ni Andres ang asawa at ang napapabalitang karelasyon nito at ang taong umano'y tumutulong sa kanilang relasyon.

Ayon sa abogado ng aktres, nauna na silang nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril. Dumanas umano ng depression si Andres dahil umano sa patuloy na pambababae ng asawa.

Matatandaang nitong buwan ng Marso ay naging usap-usapan ang muling pagbahagi ni Jelai sa umano'y pagtataksil sa kanya ni Jon.

Nagpaunlak naman ng panayam si Jon at nagkwento tungkol sa kanilang relasyon sa isang GMA-7 talk show.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

China Roces, inilabas ang video clips ng pag-usad ng kasong isinampa kay Tim Sawyer

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel