China Roces, inilabas ang video clips ng pag-usad ng kasong isinampa kay Tim Sawyer

China Roces, inilabas ang video clips ng pag-usad ng kasong isinampa kay Tim Sawyer

- Naglabas ng pahayag si China Roces kaugnay sa kasong isinampa niya sa dating kasintahang si Tim Sawyer

- Ipinakita niya ang ilang video clips ng mga hearing kung saan makikitang sumipot umano ang dating kinakasama

- Nilinaw din ni China ang kaso ay kaugnay ng pananakit ni Tim sa kanya noong Nobyembre hanggang Disyembre ng nakaraang taon

- Matapos ang insidente ng pananakit, tuluyan nang naghiwalay ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang araw matapos mapabalitang naglabas na ng arrest warrant para sa vlogger na si Tim Sawyer, naglabas na ng pahayag sa kanyang social media page si China Roces.

Nalaman ng KAMI na ilang mga netizens ang nagsasabing "scripted" lang umano ang mga kaganapang sa pagitan ni China at ni Tim.

Mariin naman itong pinabulaanan ni China at ipinakita ang mga video ng hearing at iba pangkaganapan mula nang umusad ang kasong isinampa niya laban kay Tim.

Read also

Reymark Mariano, inaming nasasaktan sa pambabatikos sa kanyang ina

China Roces, inilabas ang video clips ng pag-usad ng kasong isinampa kay Tim Sawyer
Photo: China Roces at Tim Sawyer
Source: Facebook

Nilinaw din ni China na ang kaso ay hindi tungkol sa pera o sustento sa anak nila ni Tim.

Ito ay patungkol sa makailang beses na pananakit ng vlogger sa kanya na naganap noong Nobyembre hanggang Disyembre ng nakaraang taon. Iyon umano ang panahon na sinubukan muli nilang magkaayos ngunit matapos ang insidente ng panankit umano sa kanya ni Tim, tuluyan na silang naghiwalay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon pa kay China, sinikap nilang makunan ng video ang bawat detalye ng kaso hindi para mai-vlog ito kundi maipakita na totoo ang bawat kaganapan at magsilbing aral na rin umano sa mga single mothers na tulad niya o maging ng mga babaeng nananatili sa relasyon kahit sinasaktan na sila ng kanilang mga asawa o kasintahan.

Gayunpaman, pinasalamatan din ni China sa video ang lahat ng taong sumusuporta sa kanyang laban at naniniwalang makakamit niya ang hustisya.

Read also

China Roces, umalma sa nagsabing "scripted" ang reklamo niya kay Tim Sawyer

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Matatandaang unang nag-viral ang dalawa matapos ibahagi ni China sa pamamagitan ng Facebook live ang pag-aaway nila ni Tim. Gayunpaman, nagkaayos sila sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Subalit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma nitong hindi na talaga silang muling nagkaayos ni Tim.

Kamakailan ay nailabas na ang arrest warrant para kay Tim Sawyer subalit nakapagpiyansa umano ito.

Gayunpaman, desidido pa rin si China na ituloy ang kaso laban sa ama ng kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel