China Roces, umalma sa nagsabing "scripted" ang reklamo niya kay Tim Sawyer

China Roces, umalma sa nagsabing "scripted" ang reklamo niya kay Tim Sawyer

- Umalma si China Roces sa mga nagsasabing "scripted" lamang ang reklamo niya kay Tim Sawyer

- Kamakailan kasi ay nailabas na ang arrest warrant para kay Tim ngunit nakapagpiyansa naman ito

- Sa kabila nito, itutuloy pa rin daw ni China ang kaso upang mabigyan ng leksyon ang dating kinakasama

- Sinasabi kasing patuloy pa rin umano ang mga patutsada nito kay China sa kabila ng kontrobersyal nilang hiwalayan at pagsasampa ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng pahayag si China Roces kaugnay sa mga sinasabi ng ilang netizens na maaring "scripted" o "palabas" lang nila ni Tim Sawyer ang mga kaganapan kamakailan.

Nalaman ng KAMI na noong Mayo 27 ng gabi, inilabas na ang arrest warrant para lay Tim Sawyer kaya pinaghanap ito ng NBI.

Sa update na ibinigay ni China at ng kanyang abogado na si Atty. Garreth Tungol sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo, sinabing nakapagpiyansa si Tim.

Read also

Puregold, itinama na ang viral poster na bawal ang mga"16-65 anyos" sa store

China Roces, inalmahan ang nagsabing "scripted" lang ang reklamo niya kay Tim Sawyer
Photo: China Roces at Tim Sawyer (China Roces)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Gayunpaman, desidido pa rin si China na ituloy ang kaso upang mabigyan ng leksyon ang dating kinakasama.

Ayon pa kay China, hindi naman siya magtitiyagang dumalo ng mga hearing kung "scripted" lamang ang reklamong ibinabato niya kay Tim.

Hindi rin umano kayang saktan ang sarili para lamang palabasin ang pang-aabuso ni Tim na talaga naman daw ginagawa umano nito sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang dumulog si China Roces sa programa ni Tulfo matapos na mag-viral ang Facebook live ng pagtatalo nila ni Tim Sawyer.

Nagawa pa silang mapag-ayos noon ni Tulfo ngunit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma ni China na tuluyan na silang naghiwalay ni Tim at hindi na talaga sila nagkasundo.

Read also

Tulfo, pabibigyan ng leksyon ang mga tropa ni Tim Sawyer na 'nagsasayaw' sa labas ng korte

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tuluyan na ring kinasuhan ni China ang dating kinakasama sahil sa umano'y pananakit nito ng pisikal kaya nais niya itong mabigyan ng karampatang leksyon at kaparusahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel