Jake Zyrus, kinundena ang brutal na pagpatay sa 1 transgender man sa QC
-Nagsalita ang singer na si Jake Zyrus ukol sa brutal na pagpatay sa isang transgender man na pinatay at hinalay sa Quezon City
-Sa isang panayam, binigyang diin ni Jake ang pagtitiwala sa panahon ngayon
-Anito, tila hindi pa rin siya masaya kahit na nahuli na ang mga suspek
-Nagbigay din ito ng babala sa publiko na mag-ingat ang lahat at mapanuri sa mga pinakikisamahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isang panayam sa singer na si Jake Zyrus, hiningan ito ng opinyon ukol sa kaso ng brutal na pagpatay at panghahalay sa transgender man na si Ebeng Mayor.
Ayon kay Jake ay nabalitaan daw niya ito at nakita pa ang mga kalunos-lunos na larawan ni Mayor na pinatay ng matalik na kaibigan nito kasabwat ang dalawang iba pa.
Anito, parang hindi pa rin siya masaya kahit na nahuli na ang mga suspek.
Kamakailan lang ay inihayag ng PNP sa pangunguna ng bagong PNP chief na si Guillermo Eleazar na naresolba na ang kaso.
Sa panayam kay Jake, binigyang diin niya ang pagtitiwala at nagbabala sa publiko na maging alerto lalo na sa mga panahon ngayon na kahit ang mga taong pinakikisamahan na ay nakagagawa pa rin ng krimen.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sana raw ay maging aral ito sa lahat na mas maging maingat sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan.
Nagbabala rin ang singer ukol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil kadalasan ay nagiging ugat din ito ng krimen.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nangako ng tulong si Raffy Tulfo sa ina ni Mayor matapos niya itong makapanayam sa kanyang programa.
Para kay Tulfo, mas mainam kung magkakaroon ng batas ukol sa mga nahuhuli na dahil sa droga.
Iminungkahi nito na sa halip na makabalik ang mga ito sa kani-kanilang bahay ay dumiretso ang mga ito sa mga rehabilitation center para na rin makaiwas sa krimen at matulungan pa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh