Catriona Gray at Andrea Meza, parehong nabigo sa Miss World bago naging Miss Universe

Catriona Gray at Andrea Meza, parehong nabigo sa Miss World bago naging Miss Universe

- Unang sumabak sa Miss World sina Catriona Gray at ang pinakabagong Miss Universe na si Andrea Meza

- Kamakailan ay nai-welcome pa ni Catriona si Andrea sa Miss Universe sisterhood

- Matatandaang nakasali pa naman sa top 5 si Gray sa Miss World habang si Andrea naman ay naging runner-up noong 2017

- Kaya naman, nasabi rin ni Catriona sa kanyang pagbati kay Andrea na "When it's your time, it's your time"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila ang mga beauty pageant fans lamang ang nakaunawa ng malalim na pagbati ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Universe 2020 na si Andrea Meza.

Nalaman ng KAMI na agad na nag-tweet si Catriona ng kanyang pag-welcome kay Andrea bilang pinakabagong titleholder.

"To our new #MissUniverse Andrea, when it's your time, it's your time. Congratulations and welcome to the @MissUniverse sisterhood!!!!"

Catriona Gray at Andrea Meza, nabigo sa Miss World bago maging Miss Universe
Photo: Catriona Gray (@catrionaelisa)
Source: Instagram

Ayon sa Reportr.world, parehong sumabak sa Miss World sina Catriona at Andrea.

Matatandaang 2016 nang maging pambato ng bansa si Catriona sa Miss World kung saan umabot siya sa top 5.

Si Andrea naman ay tinanghal bilang 1st runner-up ng Miss World 2017 kung saan si Manushi Chiilar ng India ang nagwagi.

Tatlong taon ang hinintay ni Andres bago sumabak sa Mexicana Universal contest kung saan siya ang napili para maging kinatawan sa Miss Universe 2020.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Taong 2018 nang masungkit ni Catriona ang Miss Universe title tatlong taon mula nang mapanlunan din ito ni Pia Wurtzbach.

Ngayon, si Andrea naman ang nakasungkit ng korona sa prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.

Ayon pa sa Cosmo.ph, tulad din ni Catriona, mahilig din sa Music partikular na sa pagkanta si Andrea na nagsisilbing paraan umano niya upang maipahayag ang kanyang emosyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Sa katatapos lamang na Miss Universe 2020, isa si Catriona Gray sa mga personalidad na iniintriga dahil sa kakulangan umano ng suporta nito sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Taliwas naman sa mga intrigang ito, kinakitaan pa rin naman ito ng pagsuporta sa pambato ng Pilipinas lalo na nang mismong pageant night.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel